nakita kita kahapon,
may hila-hilang kariton
huminto sa may Robinson,
tumanga buong maghapon
sikat ka noon sa tibi
kase kasama ka doon sa rali
pero ngayo’y nag-iisa,
naglalakad sa may EDSA.kamusta na?, YaNo
some years ago, somebody asked me, “guro1, para kanino ba ang edsa?” bagama’t properly equipped ako para sagutin ang tanong n’ya, medyo natigilan pa rin ako. “hindi ba karanawing mamamayan ang dapat na makinabang ng bunga nito, sila ang sumugod doon upang pigilan ang pagdanak ng dugo.”
looking back, iniisip ko rin kung ano nga kaya ang nangyari kung hindi sumugod ang mga tao sa edsa. nadurog nga kaya ni marcos ang attempted coup d’ ètat ng tandem ni fvr & jpe, kayanin kaya ng powers ni makoy na dumanak ang dugo, payagan naman kaya ng mga kano na magka-ganoon.
20 years ago people flocked edsa, heeding the call of cardinal sin & from the broadcasters/artists who took over radio veritas [then called as radio bandido]. mga karaniwang tao, mga taong handang ihandog ang buhay nila para sa demokrasya. have “democracy” failed them? 20 years after, nasaan na ang bunga ng edsa? may nagsasabing nasayang lang. wala rin namang nabago, sila pa rin ang bida, extra pa rin ang masa. tinatawag lang kapag may gustong paalisin, the common people were always on the firing line, pagkatapos, nasa gilid na naman sila at di pinapansin.
hindi ang pamimigay ng bigas, noodles at medicare ang dapat na maging bunga ng edsa. people empowerment & social justice ang sigaw nila noon. meron ba?
Popularity: 3% [?]
- nakuha ko ang bansag na ito ng maging educator ako ng lokal na unyon sa aming pabrika [↩]






![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)














2 responses so far ↓
1 melai // Feb 21, 2006 at 4:05 pm
noong bago ko umalis ng pinas si YANO lumabas ng bahay mula sa mahabang taon ng pagkalunod sa depresyon, dati daw sa loob lang sya ng bahay ni hindi hinahawakan yung gitara nya, bumalik sya sa UP nag-aral daw ulet, muling niyakap ang gitara at ang musika nya. ewan ko na lang ngayon sabihin ko sayo pag nagkita kami ulet
2 joy // Feb 22, 2006 at 1:10 pm
:grin:… elementary p lng ako nun..di ko p naintindihan anong ginagawa nila s EDSA. but appreciate ko ginawa nila..:smile::smile::smile:
Leave a Comment