Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

kape!!!!

April 4th, 2006 · 6 Comments

almost 1 week na kong walang kape sa umaga, simula nang lumipat ako sa aking bagong bahay, di na ko nakakapag-kape sa umaga. sa dami kasi ng bitbit ko, [di ko na ililitanya dito kung gaano karami ang damit ko at baka may mag-react pa] naiwan pa sa dating k’warto ko ang coffee maker, electric oven, dvd player, flat iron at lamp shade ko. wala kasi akong nahiram na sasakyan kaya sitak1 lang ang sinakyan ko, ashra2 lang ang bayad at katulong ko ang bida sa pagbubuhat.

buti na lang inalok ako ng dating room mate ko na bibilhin na lang daw n’ya ang ref, tv at vcd player sa halagang khamsmiya3 riyal, kaya lang fulus, ba’ad ratib4 pa.

ok balik sa kape, noong unang araw ko dito sa bayt al-jidid5, pag-gising ko baba agad ako para maghanap ng bofia para bumili ng kape.

addicted na talaga ako sa kape, my average consumption is about 3-5 cups mugs a day. my love affair with coffee started when i was about 10 years old, blend 45 pa ang brand namin noon sa bahay. dahil business minded si nanay, may tindahan kami, may pool table at may 2 mahjong table [ayos business namin diba?] bata pa lang ako late na rin akong matulog and most of the time ako ang nagbabantay sa mahjong, timpla ng kape, luto ng noodles, prepare ng merienda tapos porsyento na lang ako kay erpats sa tong. noon din ako natutong uminom ng kape, simula pa lang nagustuhan ko na ito and it stayed with me until now.

di naman ako mapili sa kape, it doesn’t matter kung decaf, brewed or instant, basta kape katalo na. nowadays, since hindi pa rin naman properly set-up ang aming crib, wala pang initan ng tubig kaya sa office pa ako nagkakape.

[tags]coffee, addiction[/tags]

Popularity: 3% [?]

  1. taxi []
  2. arabic for ten riyal []
  3. arabic for five hundred []
  4. sa sweldo pa ang bayad []
  5. arabic for new house []

Tags: Buhay Saudi · Daily Rants · Food Trip · Pinoy sa Ibayong Dagat

6 responses so far ↓

  • 1 neng // Apr 5, 2006 at 5:16 am

    may dala akong kaffee na may rum master, gusto mo? :razz:
    o mas type mo irished?

    inubos kc ng DAGA cappuccino ko :twisted:

  • 2 ann // Apr 5, 2006 at 12:19 pm

    Parang kasama mong naglipat si neneng, sya na lang lagi kong dinadatnan dito.

    Binabantayan ka yata master….hahaha!(peace tayo neng ha?)

  • 3 masterbetong // Apr 5, 2006 at 12:30 pm

    @neng irished is better.:cool:

    @ann nahahalata ko nga e:mrgreen::smile:

  • 4 kneeko // Apr 5, 2006 at 5:43 pm

    sarap ng kape kanina master ah…. bitin lang:oops:

  • 5 sirenang buhay pa // Apr 5, 2006 at 6:39 pm

    :twisted::twisted::twisted:

  • 6 sirenang buhay pa // Apr 5, 2006 at 6:40 pm

    ganun??? :twisted:

Leave a Comment