Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

Karapatang Pantao

December 10th, 2007 · 3 Comments

Extra: Natuloy ang pagnininong ko kahapon, andito yung litrato ng bago kong inaanak at konting kwento na rin.

* * * * * * * *

Para sa mga hindi nakaka-alam, ngayong araw ay tinaguraiang Human Rights Day, on this day 59 years ago the United Nations adopted the Universal Declaration of Human Rights.

Nakakalungkot na sa halos 60 taon na ang nakalilipas ng kilanlin ng mga nagkaka-isang bansa ang mga batayang karapatan ng mga tao ay tuloy pa rin ang paglabag sa mga karapatang ito. Kung tutuusin, isa ang Pilipinas sa mga signatory dito at dapat nitong kilanlin ang mga batayang karapatan.

Di pa rin naipagkakaloob sa mga magsasaka ang kanilang karapatang mag-ari ng lupa, sariwa pa ang karanasan ng mga magsasaka mula sa Sumilao, Bukidnon na naglakad ng mahigit na 60 araw mula Bukidnon hanggang Maynila upang igiit ang kanilang karapatan. Sa kabila ng mga sakripisyong ito, wala pa ring malinaw na aksyon ang pamahalaan sa kanilang hinaing.

Ang mga mangagawang pinagkaitan ng karapatan sa pananatili sa trabaho, laganap ang kontraktwalisasyon, naging bukam-bibig na ang salitang Endo, pina-ikling End of Contract, na bago umabot sa ika-anim na buwan ay tatanggalin ang mga manggagawa sa kanilang trabaho. Hindi lamang ang mga manggagawang kontrakwal ang apektado, ipinagkakait din sa mga regular na manggagawa ang kanilang karapatan sa pag-uunyon.

Laganap ang pagpatay sa mga mamamahayag at mga indibidwal na itinuturing ng estado na “kaaway.”

Malaking bahagdan pa rin ng mamamayan ang walang mahusay na tahanan at naninirahan sa mga delikadong lugar. Idagdag pa rito ang walang habas na pag-demolish sa kanilang tirahan at iniiwan na lang na walang matinong relokasyon.

Ilan lang ito sa mga harapang paglabag sa karapatang pantao sa Pilipinas, maaring sasabihin ng iba, “subukan n’yong tumira sa China o Afghanistan at tiyak na mas mahusay pa ang Pilipinas kaysa roon,” nakalulungkot, pero tila mali ang pananaw nila sa usaping ito. Sa isang bansang sibilisado at nagsasabing “demokratiko” hindi dapat na umiiral ang mga paglabag na ito, hindi na dapat itong igipit, dapat siguruhin ng estado na walang nagaganap na paglabag.

Sa susunod na taon ay ika-60 taon ng deklarasyon, may pag-asa pa kayang igalang ang ating mga karapatan?

Popularity: 63% [?]

Tags: Daily Rants · Point of View · Politics & Economy

3 responses so far ↓

  • 1 Schumey // Dec 11, 2007 at 8:28 am

    Yan din ang panalangin, social justice para sa lahat.

  • 2 karmi // Dec 12, 2007 at 8:16 am

    na-endo ako sa una kong trabaho. sakto rin na nagka-sore eyes ako, kaya di masyadong masakit para sa akin ang mawalan ng trabaho..

    kelan nga ba magkakaroon ng hustisya para sa lahat? isa na rin cguro yan sa magiging wish ko ngayong Pasko.. ^_^

  • 3 jof // Sep 8, 2008 at 4:07 pm

    sana mayroon ding mga ahensya ,programa,kasaysayan at kanilang mga layunin…

Leave a Comment