Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

KBL

July 18th, 2007 · 3 Comments

There is a moniker for event photographers like me, it’s KBL, KBL stands for Kasal, Binyag (or Birthday), Libing. Ito kasi ang malimit na kunan ng pictures as remembrance.

Nasubukan ko na yung kasal at birthday but I never thought na magkakaroon ako ng assignment na libing. Last Monday nakatanggap ako ng text mula sa isang studio, kung gusto ko ba daw tanggapin yung shoot ng libing. Medyo may katagalan bago ko sinagot, may mga considerations kasi, una parusa ang libing dito sa amin, imina-martsa ang patay dito. Meaning mula bahay papuntang simbahan at papuntang sementeryo puro lakad yun, isipin n’yo na lang kung gaano kahirap yun na naglalakad ako habang bitbit ang kulang 2 kilo kong gear.

Pero naisip ko rin naman na OK na rin kesa walang labas ngayong linggo, besides, “motorcade” naman daw ang libing, meaning hindi ako maglalakad! Yahooo!!! At may sundot pang panibagong sked sa Friday, hehehehe!
Remains

I decided na huwag magpost ng pix na pwedeng ma-identify ang namayapa o sino man sa kanyang kamag-anak, para naman maprotektahan ag kanilang pagluluksa, sinadya ko ring gawing black & white para makita ang solemnity ng libing.

one last look

Katedral ng Imus

Mea Culpa

Come to me

Grief

Well, they can call me names, pero para sa akin, isang avenue na naman ito ng photography na nalampasan ko.

Popularity: 3% [?]

Tags: Daily Rants · Events · Photography

3 responses so far ↓

  • 1 karmi // Jul 18, 2007 at 11:34 pm

    solemn nga kuya.. di katulad kapag bday o kaya kasal ang kukuhanan ng picture..

    at least na-try mo na lahat.. :) ung kasal ko kuya ha!!! ^_^

  • 2 eric aka senor enrique // Jul 19, 2007 at 5:15 pm

    Impressive pictorial, Ricky.

    Galing din ng conversion to b&w; quite dramatic.

  • 3 Tin // Jul 19, 2007 at 6:20 pm

    Galing ng pagkakakuha mo master, pati yung effects. Napaka solemn. Galing mo na talaga kuya! Parang ang pro mo na! :)

Leave a Comment