Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

laging gipit

April 11th, 2006 · 4 Comments

kaka-upo ko pa lang sa upuan ko ng mag-ring ang telepono, since wala namang caller id ang phone ko, i pressume na work related ang tawag kaya sagot naman agad ako.

master: hello! good morning
caller: tutz! bilhin mo naman smart ko
master: [by this time alam ko na kung sino ang tumatawag] aanhin ko yan! saka saan ako kukuha ng pera! parehas lang tayong di pa na-sweldo
caller: akala ko may nai-tabi ka e

i was rude! given na ‘yun, pero siguro naman justifiable ang pagiging bastos ko sa pagkakataong ito. nakaka-irita na kasi.

nagtataka kayo siguro kung bakit ibinebenta ang smart, pwede bang gamitin ang smart dito? the answer is yes, may roaming service ang smart dito, maraming may negosyo ng smart load dito. ang mga asawa [or gf] nila ang nagka-kaskas sa pinas tapos ipapadala lang ang pin code via e-mail or text, negosyo na. ang 300 peso load [na nakukuha ng bultuhan sa pinas ng 275 or less] naibebenta [pautang] sa halagang 25 riyal [more or less 350 pesos], malakas na negosyo yan kasi ‘yung mga nasa pinas, pinapadala na nga ang buong sweldo nagre-request pa ng load galing dito sa saudi.

but this particular caller is not doing business, inilulubog n’ya ang sarili sa putik. paano naging ganoon? simple lang ang formula, need — supply — demand.

need, kailangan n’ya ng pera, i will not discuss further kung bakit
supply, may nagpapa-utang ng load
demand, may taong kayang magbayad ng cash

kung di n’yo pa rin makita ang logic, i will explain further [yan ang trabaho ko e], kailangan n’ya ng pera, so ang scheme na na-isip n’ya ay umutang ng load sa halagang 25 riyal at ibenta sa halagang 20 riyals [minsan 15, minsan 2 for 35], may cash na siya. ang galing diba? kaya sa bawat 100 riyals na ibinabayad n’ya after salary, 20 riyals ang hindi n’ya napakinabangan, worst than five-six or 10% na utang sa nepali.

nakaka-awang nakaka-inis! hindi ko alam kung paano pa sila makaka-ahon sa ganitong sistema ng pamumuhay.

Popularity: 2% [?]

Tags: Buhay Saudi · Money Matters · Pinoy sa Ibayong Dagat · WTF

4 responses so far ↓

  • 1 lojik // Apr 11, 2006 at 4:55 pm

    ewan ko sa kanya ha? nag iisip kaya siya…nasa kumunoy na siya…aba! ang labo niya?

  • 2 jhay // Apr 11, 2006 at 10:26 pm

    gaya nga ng sabi mo; supply-demand. :simle:

  • 3 exphiles // Apr 12, 2006 at 7:52 am

    Utang nang load na 25, sell it at a loss for 20? So in one transaction, he’s losing 20%?!

    Ok yan ah. 5-6 in reverse. Bili ka nang maraming load sa kanya at 15 or 2 for 35. Tapos benta mo nang 20 or 23.

    If mabili mo nang 20 lang at mabenta mo nang 23, 15% na kita mo. Mas maganda pa sa banko! Tubong lugaw!

  • 4 masterbetong // Apr 12, 2006 at 1:44 pm

    @lojik, kumunoy na talaga!

    @jhay, amen!

    @exphiles, magandang suggestion yan ah

Leave a Comment