Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

leaving the cage

November 25th, 2005 · 1 Comment

xtra: birthday ni bebang ngayon, hapi bertdey ate kong maganda! :)

********

a friend asked me to accompany him to al-khobar [kadyo's kingdom :)], bibili daw siya ng laptop. oo naman agad ang lolo n’yo, ang tagal ko ng di nakakalabas ng jubail. sinundo nila ako ng bandang 6:30 ng gabi, kasisigaw pa lang ng azzan para sa aisha prayer.

while cruising jubail - khobar road, kwentuhan ng buhay-buhay, ganyan naman kami dito, laging pamilya sa pinas ang nasa isip, di mawala sa isip kung paano igagapang ang mga anak sa pag-aaral. tinanong ako ni narding [driver ng pick-up na sinasakyan namin], “ilan na ba anak mo?”, “isa lang, siyam na taon na”, di ko sinabing ala akong asawa at baka humaba pa ang tanungan. “mahabang gapangan pa iyan bago makatapos” balik n’ya sa akin. “oo nga eh”, napatahimik na lang ako, “kung alam mo lang” sabi ko sa sarili ko. tapos kinwento na niya kung ano na ang achievement ng mga anak n’ya. he sounds proud of what his childrens have become.

nakarating din kami ng jarir after 45 minutes of travel, tatawagan ko sana si kadyo pero next time na lang. di ko naman kasi hawak ang oras ko eh, baka biglang magyakag ng umuwi ang kasama ko. oliver got his laptop, a dell series 6, the price, SR4,790. whew! gusto ko rin sana, kaya lang di kaya ng budget!

tapos noon kumain kami sa oriental express sa rashid mall [according to them, the biggest mall daw ito sa gcc, pero promise mas malaki pa ang megamall jan]. on the way home, napadaan kami sa isang police check-point, doon ko lang naalala na wala nga pala akong iqama (resident permit), under renewal kasi ito at ang hawak ko lang ay arabic letter galing sa kompanya namin. kinabahan ako ng sabihin ng pulis na “yamin”, meaning kanan, pinatabi kami sa kanan at binutbot ang dokumento ng sasakyan. buti na lang di na kami inisa-isa.

past 11 na ko naka-uwi ng bahay, at least after almost 4 months nakalabas din ako ng lungga ko.

Popularity: 3% [?]

Tags: Uncategorized

1 response so far ↓

  • 1 neng // Nov 25, 2005 at 6:50 pm

    sana bwinisit mo si faffi Kaddi … para masermonan ka !

    hapi-bertday na rin sa ate mo! wala bang tagayan? anong tawag do’n …sadique?
    oy, natutunan ko lang yan kay paps. H2O lang iniinom ko …

    dapat nga ciguro dalas-dalasan mong mag-road trip para mejo sumaya naman mga kuwento mo. :)

Leave a Comment