Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

Lebadura + Asukal + Katas ng Prutas + Tubig

August 10th, 2005 · 1 Comment

Paalala: Wag subukang gawin ito, ito ay ginagawa lamang ng mga taong may sapat na karanasan.

Lebadura1 + Asukal + Katas ng Prutas + Tubig = Alkohol. Mas kilala ito dito bilang saddiqi, ang saddiqi ay salitang Arabo na ang ibig sabihin ay matalik na kaibigan. Para sa mga dayuhang manggagawa dito na sanay na umiinom, masasabi ko ngang isa itong tunay na kaibigan na maari mong lapitan sa panahon ng pangungulilala.

Muntik ko ng patulan ang pag-inom nito kagabi, pagdayo ko sa k’warto nila Diego ay may nagaganap na sesyon, naandon ang karamihan ng mga tropa. Kinakalabit ni Mang Mike ang gitara, sinasabayan naman ito ng kanta ni Diego at ng ibang tropa. Mula sa isang bote ay nadagdagan pa ito hanggang di namin namalayan na oras na pala ng pagtulog.

Normal ang ganito sa aming kampo, kahit hindi ako masyadong umiinom ay nakikisama ako, nakikikain ng pulutan at nakikikanta. Sa mga katulad naming malayo sa pamilya, ang mga kaibigan ang maari mong ituring na pamilya, karamihan ay dito mo na rin lang nakilala.

Mabuti na lang at walang tawilwil2 kagabi.

—————-
1 lebad´ura Sp n. yeast
2 nagkalat, nagwala, atbp.

Popularity: 2% [?]

Tags: Buhay Saudi · Leisure · Pinoy sa Ibayong Dagat

1 response so far ↓

  • 1 pipoy // Aug 11, 2005 at 4:40 pm

    Ako..mag 2 to years na dito sa Kobar…pero hindi pa rin ako nakaka-inom nyan. May nalalason ba nyan?

Leave a Comment