matagal ng nakapaskil ang sign na iyan sa may pintuan ng kwarto namin, kungbaga, final reminder bago kami lumabas ng bahay patungong opisina.
maaga talaga akong gumising, 6:50 ~ 7:00 ang bus namin pero 5:30 pa lang gising na ko, ayaw ko kasi ng nagmamadali. kanina, i thought everything is in place, iqama nasa wallet, cellphone nasa bulsa, suis nasa keyhole na ng lock, patay na lahat ng ilaw, di naman ako nagbabaon at bitbit ko na ang basura.
i went down & walked 2 blocks papuntang abangan ng bus, as i arrived sa harap ng kadiwa at nakita kong naka-id ang mga nag-aabang, demn! noon ko naalalang naiwan ko ang id ko! napakahalaga ng id para sa amin, simula kasi ng nilusob ni bush ang bansa ni sadam, sobrang higpit na ng mga check-points dito lalo na kahapon at kaninang umaga, maybe because of this.
dapat lang naman na maging mahigpit sila, industrial area ang pinapasukan namin at hindi lang ordinary industrial area, puro chemicals ang products dito.
wala akong magawa kundi bumalik at kunin ang aking id, buti na lang at pagbalik ko ay wala pa ang bus namin. demn! kung naiwan ako, 30 riyals din ang pamassahe papuntang planta, e parang iyon na lang yata ang laman ng wallet ko e! hehehehe! pawis na pawis ang master, daig pa ang nag-brisk walking ng 10kms!
whew! that was close!
Popularity: 8% [?]





![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)















10 responses so far ↓
1 Tuts // Nov 6, 2006 at 8:38 am
pawisan ka parin ba? lika punasan ko pawis mo.. parang sa thats entertainment, dba pag kumakanta si Sheryl Cruz, pinapunasan ng mga fans, at sinasabitan ng sampaguita? heheh!
2 bp // Nov 6, 2006 at 9:31 am
pinturahan mo uli yan master para araw2
may makakalimutan ka … di oks na
ang Fitness program mo sa umaga
3 jong // Nov 6, 2006 at 1:36 pm
haha… parang ung kabarkada ko. may nakapaskil din sa pinto nila..
yong araw ng coding, susi, aircon, basta mga katulad ng sayo hehe..
tama lang yan, para nga may exercise.. hihi
4 jeniffer // Nov 6, 2006 at 3:08 pm
master.. ako di ko nakagawian yan maglagay ng ganyan. pero gusto ko din maging oraganize katulad mo :p tularan si master betong! tagay lang!!
5 karmi // Nov 6, 2006 at 8:39 pm
kuya, buti na lang at di ka naiwan ng bus!!!
may listahan din ako sa organizer ko.. baka kasi may makalimutan din…
6 rHo // Nov 6, 2006 at 10:58 pm
buti na lang naalala mo bago pa dumating ang bus kundi… naku po!! ayos na rin.. parang kelan lang e sinasabi mong twing weekend ka lang nakakalakad, o ngayon… naka-extra ka!! hehehe! ingatz po lagi!
7 malaya // Nov 7, 2006 at 10:59 am
master, sa amin nu’ng bago pa ang ID may penalty kapag hindi suot, ngayon wala na. ningas kugon kasi ehehehe.
***
8 gerome // Nov 7, 2006 at 11:42 am
salamat sa pagdaan sa blog ko!
9 mics // Nov 8, 2006 at 2:52 am
waheheh.. akala ko episode ni charo santos…
10 ann // Nov 8, 2006 at 7:49 am
Ako nag-iwan ako ng duplicate key sa neighbor ko na pinay, minsan kase yung stove nakakalimutan kong bukas.
Leave a Comment