nasira ang aking cabinet, di naman ang buong cabinet, yun lang hangeran, nabali dahil sa bigat ng mga damit ko. di siya yung cabinet na mamahalin, the type na nabibili sa ikea or ano mang medyo sosyal na bilihan ng furniture, isa siyang plastic cabinet na nabibili sa bangketa ng jubail.
nak ng hiping kulelat naman oh! e 6 months ko pa lang nabibili ang cabinet na yan, naisip ko tuloy na sana ay namulot na lang ako ng pinaglumaan ng mga arabo. hehehehe! sa totoo lang, gusto ko sanang dalhin yung cabinet na ginagamit ko doon sa dating accommodation ko pero lintsak sa bigat, hindi yata kayang buhatin ng dalawang tao yun e. para bang kapag naki-usap kang tulungan e pilit silang makikibuhat pero minumura ka naman ng palihim dahil sa sobrang hirap ng inabot nila.
anyways, since ayoko namang itapon ito (saka wala pa akong perang pambili ng bagong cabinet) kaya dapat i-repair ko na lang!
sa tulong ng aking handy tool na give-away ng kompanya namin noong nag-attend ako ng hand-safety orientation, sinubukan kong ayusin ang nasirang plastic cabinet. bago ako umuwi ay dumaan ako sa riyalin (everything 2 riyals) shop para bumuli ng handle ng walis na siya kong gagawing bagong sabitan.
with a little amount of
di tuloy ako nakapag-brisk walking kagabi dahil dito, di bale inuna ko muna ang aking cabinet, sa ibang araw ko na aatupagin ang bilbil ko!
wish ko na lang na tumama ako sa l*tto para makapagpa-liposuction ako. hehehehehe!
[tags]handyman, cheap cabinet, simple home repair[/tags]
Popularity: 8% [?]






![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)














2 responses so far ↓
1 LaBs // Oct 29, 2006 at 10:26 am
akin na lang ung pink na hanger mo!
2 jeniffer // Oct 29, 2006 at 11:57 am
hahaha.. nakikikramay ako sa pagkasira ng hangeran mo master.. di bale pagawa ka nalang ng yung kahoy.. para di madaling masira.. :p
Leave a Comment