Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

morning walk at sinigang na hipon

July 7th, 2006 · No Comments

whew! friday na naman! parang di ko namalayang dumaan ang linggong ito, medyo sobrang busy yata ako this past weeks. nak ng kalabaw, 2 magkasunod na huwebes nga pala akong pumasok, toxic yun masyado. less time to rest.

as usual, maaga na naman akong nagising, 6am pa lang gising na ang diwa ko, 30 minutes early lang sa aking daily routine. sa tingin ko naman i would feel better kung hindi ako magbababad sa aking higaan, mas nakakatamad naman talaga kapag late na e nakahiga pa rin.

i decided to take my morning walk on the way to the fish market (nakasanayan na lang na fish market ang tawag, pero kumpleto naman sa paninda) para bumili ng 1 week stock ng pagkain at lunch for the day na rin. Mahigit isang buwan ko na ring hindi ito nagagawa, mula kasi ng mag-share kami ni niko ay tuwing friday afternoon kami namamalengke. i think na mas ok ang morning walk, maagang nagigising ang dugo.

pagdating sa bahay, niluto ko na ang sinigang na hipon (syet! ang mahal ng hipon!) at hinintay na magising ang aking mga room mate. it was a nice brunch, sa sarap ko ba namang magluto (o di lang sila makareklamo!) for sure gaganahan kayo!

Popularity: 7% [?]

Tags: Buhay Saudi · Food Trip · Health & Wellness · Pinoy sa Ibayong Dagat

0 responses so far ↓

  • There are no comments yet...Kick things off by filling out the form below.

Leave a Comment