Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

na? namaaaan!!!!

October 3rd, 2006 · 5 Comments

pag may nagtanong sa iyo ng “nakain ka ng isda?” ano isasagot mo?

natatawa sa akin ang mga kaklase ko noong college, fresh from the province si master noon, nakakarating lang ako sa maynila noon kapag kumukuha kami ng remittance ni erpats sa ucpb makati.

“bakit ganyan kayo magsalita?” tanong ng isang kaklase, medyo nawindang yata ako sa tanong na ‘yon. sa tingin ko kasi wala namang mali sa sinabi ko, besides tagalog din naman ang salita ko.

kung gusto mong makilala ang isang caviteño, pakinggan mo ang manner ng kanyang pagsasalita. sa tono pa lang, may distinction na kami, malakas magsalita at parang laging nandadarag. bukod pa rito ang hilig naming gumamit ng unlaping “na.” paano yun? simple lang, imbes na “kumakain ako” ang caviteño version ay “nakain ako.” isa pa? imbes na “umuulan dito,” “naulan dito” ang sasabihin.

di ko rin alam kung paano namin natutunang ganito ang pagsasalita, nakalakhan ko na ito, marami pa ring pumupuna, lalo na yung sanay na makipag-usap sa mga taga-cavite. minsan nakaka-conscious din, dahil alam mo namang mali e nagagawa mo pa rin.

sanayan lang talaga, kaya masanay na rin kayo sa akin. :P

Popularity: 12% [?]

Tags: Cavite · Daily Rants · Personal

5 responses so far ↓

  • 1 rHo // Oct 3, 2006 at 5:03 am

    sinabi mo pa master… mga taga-cavite, kala mo lagi na lang galit kung magsalita pero sabi mo nga sanayan lang yan! saka kung magsalita kayo… umaalon pag nagkkwento! hehehe…

  • 2 jong // Oct 3, 2006 at 5:39 am

    oo nga mahilig nga sila sa na… mayron akong kaklaseng ganun pero hindi ko naman pansin ung pagsalita, ung na lang talaga. mga ibang taga laguna ganun rin kung magsalita. hehe sanay narin ako, eto nga naulan nanaman ngayon, kapalit na bagyo hehe.

  • 3 ann // Oct 3, 2006 at 6:05 am

    May kaibigan ako sa Tagaytay naman sya, ganyan din magtagalog.

  • 4 TK // Oct 3, 2006 at 10:10 am

    Naku dito ko nalang sa blog natutunan yan. heheh! Pakenkoy kasi kung pakikinggan. Ako minsan nasadya kong gawin kc ang cute. kaya meaning cute kayong mga taga cavite. heheh :lol: bat ang cute ng smiley na ito.

  • 5 icarus05 // Oct 4, 2006 at 1:24 pm

    Haha.. Ganito rin ung language namin sa Infanta… Gawa ng pag dun ka at nagsalita ka ng derecho… Pagtatawanan ka nila! hehe… It’s nice to see someone still speaks the native language! hehe… Nakain ka na? :P

Leave a Comment