tuloy ang drama ng aking paglipat.
matapos kong i-assemble ang katre at mattress, sobrang pagod ang inabot ko, balak pa sana naming manood ng basketball game pero di na kaya ng powers namin ni bilas. so pahinga na lang kami at kwentuhan, mejo matagal din kasi kaming di nagkasama kaya mahaba-habang kwentuhan.
around 11pm ng magpaalam si niko na matutulog na daw siya, ako antok na rin pero di naman ako makatulog. namamahay pa yata ako. well, mejo matigas pa ung mattress na nabili ko, foam lang kasi na binalutan un kasi mejo masakit pa sa likod. di rin ako sanay sa unan na gamit ko, tapos walang pangkalikot ng tenga. grrr….
almost 12mn, mejo nakakatulog na ko dumating naman si deks, talo daw sila sa laro at sobrang bothered, ganun talaga ‘yun kinakarir ang bawat laro. kwento lang ng kwento, alam kong nagising si niko pero di na lang nakisawsaw sa kwentuhan namin ni deks.
siguro past 2 na ng nakatulog ako, tapos 5 am nag-prepare na sila para pumasok. eto masama, may leaking pala ung bintana, nabasa ang bagong-bago kong kama! grrrr!
i survived my first night, ok lang wala namang pasok kahit na di ako masyadong nakatulog.
Popularity: 4% [?]






![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)














6 responses so far ↓
1 neng // Mar 20, 2006 at 10:20 pm
akala ko di ka nakatulog master dahil malakas maghilik ang daga:lol:
wanted pala siya! tsk tsk kaya pala nagtago sa buhangin
2 micah // Mar 31, 2006 at 12:40 am
ganyan din ako, di ako makatulog sa ibang bahay.:smile:
3 melai // Mar 31, 2006 at 2:31 pm
wawa! 3 hours lang tulog.
4 tsokoleyt // Mar 31, 2006 at 3:02 pm
kailangan po ba ninyo ng flowers & candles para sa blessing?
ups …( sana magdadala) meron na pala si mäuschen
5 kneeko // Apr 1, 2006 at 1:30 pm
d naghihilik ang daga… si master nga naghihilik kaya lang pinipigilan nya baka di kami makatulog…. ayun ngyari puyat ang master heheh
@tsok, ano na naman yan?:evil:
6 tsokoleyt // Apr 1, 2006 at 5:09 pm
ang pikon hindi kyut
Leave a Comment