Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

Ninong na naman ako!

December 3rd, 2007 · 8 Comments

Napahagalpak ako ng tawa sa natanggap kong text kahapon:

Punta k s sundayd2
bnyag ng baby ko
ninong ka.

Sender:
Maria
+63920xxxxxxx

Ang lakas ng loob na kunin akong ninong!

Nagulat lang ako, medyo matagal na ring walang kumuha sa akin bilang ninong, si Pareng Deks ang huling kumuha sa akin noong 2005, buong Klasmeyts1 yata ang nag-ninong kay Theo. Pero sa kasamaang palad walang naka-attend sa amin (kahit si Deks) dahil nga nagpapa-alipin kami sa mga Arabo during that time.

Pero kelan nga ba yung huling beses na nag-anak ako sa binyag na nakadalo ako? Hmmm… May katagalan na rin, almost 6 years na rin pala, Christmas 2001 nung bininyagan si Sid, anak ni Pareng Mac (kasama ko din dati sa Saudi), at tulad ng sinabi ko sa nakaraang post ko, yun din ang last time na nag-celebrate ako ng pasko dito sa Pinas.

Sa totoo lang hindi ako masyadong mabenta in terms of that ninong stuff, sa magkakapatid ako ang may pinaka-konti na inaanak, kung hindi ako nagkakamali, 12 lang ang inaanak ko. Sa magkakapatid, Ate ko ang may pinakamaraming inaanak, close to 60 na siguro, then yung panganay namin na almost 50 siguro, yung bunso namin na baka abot 40 na ang inaanak at yung pangalawa sa panganay na more than 30.

I would admit na maraming nagkakamali sa ugali ko, maraming naiilang sa akin, hindi ako masyadong sociable person, kaya yung mga nagtyaga lang na kunin akong Ninong ng anak nila ay yung mga taong nakakilala sa akin ng totoo, meaning mas malalim ang naging pagsasamahan namin.

Kung tutuusin bata pa rin naman ako nung unang mag-anak sa binyag, in fact may apo na ako sa mga inaanak ko. Si Jessa na inanak ko sa binyag noong 1985 ay may pamilya at may anak na, si Hacket naman inanak ko noong 1986, ay nakabuntis na rin at ngayon ay nagsisis kung bakit hindi imbes na pag-aaral ang atupagin ay magparty at makipag-date ang inuna.

Karamihan sa mga inaanak ko ay di ko na nakikita, si Alyssa na pagkatapos binyagan ay nag-resign sa kompanya namin ang Tatay at Nanay n’ya, si Sid na iniuwi na ni Pareng Mac sa Aklan at iba pa. Napakamalas na mga bata! Hahaha!

Dito ko napapansin na parang hindi nagkakatotoo ang tunay na pakahulugan ng pagiging ninong, dapat sana ang mga ninong (at ninang) ang tatayong ikalawang magulang ng bata, pero tulad ng kalakaran ay tuwing pasko lang nakikita (worst ay kung nagtatago pa) at hindi natutupad ang tunay na kahulugan ng salita.

Hay, ninong na naman ako! Isang bata na naman ang mamalasin! Hahahahaha!

Popularity: 21% [?]

  1. Bansag sa tropa namin sa Saudi []

Tags: Customs & Traditions · Friends · Religion & Culture

8 responses so far ↓

  • 1 karmi // Dec 4, 2007 at 1:30 am

    sa sabado kuya, ninang naman ako.. hehehe..

    madami na rin (ata) akong inaanak pero iisang binyagan pa lang ang napupuntahan ko talaga.. panay pasabi lang ung iba… hehehe..

    pasko na ninong.. sakto ung binyagan!! ^_^

  • 2 ann // Dec 4, 2007 at 5:23 am

    Mukha ka kasing suplado…Di ba yun ang first impression ko syo? Pero sa katagalan…suplado pa rin…hahaha!

    Dapat ninong sa kasal na…hehehe.

    Lakas business mo nyan daming okasyon dyan.

    Tsek mo nga mga kuha ni kd kung may papasa syo?

  • 3 jlois // Dec 4, 2007 at 9:09 am

    Lagot ka ngayon ninong, malapit na pasko handa mo na wallet mo sa mga inaanak mo! nyahaha :)

  • 4 kneeko // Dec 4, 2007 at 8:17 pm

    galante ka raw kasi hahahhaa

  • 5 Schumey // Dec 6, 2007 at 4:48 pm

    Tangagp lang tanggap. Hindi ko na rin mabilang inaanak ko. Suwerte daw yan.

  • 6 malaya // Dec 6, 2007 at 6:58 pm

    aba, masama raw ang tumatanggi. kukunin din kitang ninong tsaka si Schumey. hehehe

    oops, may tag ako sa iyo, ninong. hehehe

  • 7 malaya // Dec 6, 2007 at 6:59 pm

    tsaka master, ganito ba ang tawag mo sa malas. aba ang swerteng malas naman nyan. hehehe

  • 8 rHo // Dec 7, 2007 at 12:46 pm

    hahaha, ganun? madadagdagan na naman ang bibigyan mo ng aguinaldo! hehehe!

    ako rin yata, di ko na mabilang ang inaanak ko… pero mabuti na lang at kilala ko pa silang lahat! yaaay… nakakalito lang tlaga pag minsan! hehehe!

Leave a Comment