di pa naman katagalan ako dito sa kaharian ng saudi arabia, magpi-pitong taon na simula noong una akong lumapag sa dhahran international airport. sa kabuuan, limang taon pa lang ang aking pamamalagi dito (kung ibawas ang mga bakasyon), naisip ko lang, ang laki na rin at ang daming pagbabago simula ng dumating ako dito, sinubukan kong maglista ng ilan sa mga pagbabagong iyon.
- noon 8 riyals1 ang bawat minuto ng tawag sa pilipinas, ngayon 2.6 riyals na lang2
- noon napakaraming rekisitos bago magkaroon ng cell phone, at dahil nga linya, may monthly limit pa at limited ang numerong matatawagan, ngayon makakabili na ng pre-paid sim card, nagdagsaan na rin ang mga bagong modelong cellphone at mabilis ang pagbaba ng presyo
- noon limitado ang internet cafe bukod pa rito ang mataas ng presyo (15 riyals per hour) at ang masakit dial-up pa, ngayon parang kabute na nagsulputan ang mga internet cafe at bunga nito nagmurahan na rin (may 5 riyals, 4 riyals, 3 riyals, 4 na oras sampu, etc.) at dsl na ang connection.
- noon napakahirap magpakabit ng landline, napakaraming rekisitos, ngayon isang tawag na lang sa toll-free, makakabitan ka na ng telepono
- noon napakahigpit nila sa pagsu-suot ng shorts (para sa mga lalaki), ngayon medyo linient na sila, basta lagpas tuhod ang short
ilan lang yan sa mga pagbabagong nakita ko, marami pa rin ang bawal, lalo na’t salungat ito sa kanilang kultura at pananampalataya. may kahirapan ang manatili dito, hindi lamang ang sakripisyo ng pagkalayo sa pamilya ang mararanasan, ang pagkalayo sa mga kinasanayan mong mga gawi. who knows, baka ang mga pagbabagong iyan ay maganap sa mga darating na panahon.
Popularity: 14% [?]





![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)















3 responses so far ↓
1 basey // May 16, 2006 at 7:27 pm
Hello Ricky or master Ricky hehehehe..dumaan po . Hmm dami na nga nagbago jan dito sa pinas mahirap pa din buhay. Sana okay ka lang jan . Paki link na lang ako if possible kasi hindi ako marunong e. Simple lang ung site ko nothing fancy..im still learning. Hey you got great photoblog …i enjoyed viewing it keep it up!!!
2 TK // May 17, 2006 at 6:24 am
Mabuti nman pala ang mga pagbabago jan kung ganun. sabi nga nila the only thing in the world that doesnt change is the word change.. basta ganyan, pero baka mali lang pagka sabi ko.. heheh!! at least u’ve seen a good changes diba? sa pinas puro mga bad changes.. pero mahal ko parin bansa natin…
3 teklasdiary // May 17, 2006 at 12:55 pm
tama si KD, oki kung ang pagbabago ay sa ikakaganda ng lahat. sa pinas dami nga gumanda, bahay at negosyo ng mga pulitiko nyahaha…
Leave a Comment