Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

noong bagets pa si master

September 24th, 2006 · 7 Comments

Bagetsnabasa ko na may reunion movie daw ang bagets.

nak ng petiks! 22 years ago na pala yun! alala ko, 2nd year high school kami noon, ¾ yata ng iskwela namin ang hindi pumasok noong first day of showing para manood ng ng pelikula. and as expected kasama ako doon sa mga hindi pumasok.

demn! the moviehouse is crowded, sigawan everytime lumalabas si aga at eto pa panay ang kuha ng pictures sa movie screen. ibang klase talaga ang dating nila noon. si master inaabangang lumabas si yayo aguila at nagyoyosi lang sa tabi (juice mother na yan o! nakatayo ako throughout the movie) nang may tumapik sa balikat ko, sekyu! bawal magyosi sa loob ng sinehan kaya dinala ako sa theater opis at sinermunan ng manager! hinayaan naman nila akong tapusin ang movie pero kinumpiska ang natitirang 2 stick na marlboro red ko!

pagpasok sa iskul namin the following day, lahat ng hindi pumasok ay pinapila sa school ground at sinermunan ng school director, principal at guidance counselor. after nang napakahabang sermon, pinaluhod kami at pinag-rosaryo, hindi lang isang misteryo kundi lahat ng misteryo! di naman nakakahiya, well of course almost everyone is there!

tagal na nga noon! nasaan na nga kaya yung mga kakulitan ko noon, marami sa kanila ang di ko na nakikita, wala man lang akong balita.

Popularity: 17% [?]

Tags: Blast from the past · Daily Rants · Personal · Showbiz & Entertainment

7 responses so far ↓

  • 1 jong // Sep 24, 2006 at 3:38 pm

    ahahaha ayos ah… masarap pagalitan lalo na kapag marami kayo. parang walang epekto.. haha

  • 2 malaya // Sep 24, 2006 at 6:38 pm

    Okey pala ang BAGETS experience mo, master!
    Napanood ko rin ‘yan pero accompanied pa ako ng nanay ko.
    Tanda ko naman, crush na crush ko raw si Aga, sabi ng ermats ko.

    ***
    Iba rin talaga ang pagdidisiplina ng eskuwelahan noon kesa ngayon ano? Isipin mong pagdasalin kayo ng rosaryo at lahat pa ng misteryo?
    Tuwa siguro ng Langit dahil maraming nagdasal na kabataan. hehehe

  • 3 TK // Sep 25, 2006 at 8:07 am

    Hanep tlgang pinag rosary kayo? heheh! at tlgang nag absent pa kayo? once a day lang ba pinalabas un? at kelangan e sabay sabay kayong mag absent? ako diko napanood yan kc ewan koba!

  • 4 masterbetong // Sep 25, 2006 at 12:45 pm

    @jong, imagine mo na lang yung 3/4 ng buong eskwela ang hindi pumasok, kaya nasa cool side kamin noon! heheheh! :lol:

    @malaya, during those days, every women loves aga & every man wants to be aga! :twisted:

    @tikey, masarap lang manood pag first day, di ka huli sa kwentuhan! :mrgreen:

  • 5 sasha // Sep 25, 2006 at 1:05 pm

    hahaha

    natawa ako sa pinaluhod kayo at pinag-rosary! laki ng kasalanan nyo ah! hehehe

    at nag-yosi naman kasi si master sa loob ng sinehan… tsk tsk… nasermunan tuloy! :lol:

  • 6 ann // Sep 25, 2006 at 2:48 pm

    Highschool din ako noong bagets time…..nakipila rin kami.

    @TK, fetus ka pa siguro noon.

  • 7 masterbetong // Sep 25, 2006 at 4:12 pm

    @sasha, maagang naligaw ng landas ang lolo mo, hehehehe!

    @ann, palaos na ang era natin!

Leave a Comment