Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

not an ordinary weekend

October 6th, 2006 · 3 Comments

note: nabasa ko yung post ni señor enrique tungkol sa opening ng r. hidalgo as photographer’s haven at mukha nga malaking pagbabago ang naganap. check the entry here.

* * * * * * * *

medyo hyper ang weekend ko, medyo kakaiba sa mga nakaraang weekend. this week medyo marami akong na-accomplish with in 2 days, hindi yata dumapo sa akin ang katamaran.

nakapaglaba ako noong thursday, hindi naman masyadong marami ang nilabhan ko, one week attire lang. tapos kanina nakapagluto ako ng lunch at nakapamalantsa.

medyo matagal na rin akong di nakakapagluto, umasa na lang kasi ako sa resto kaya ayun, napabayaan ko na ang talent ko sa pagluluto. mejo maalat nga yung bistek na niluto ko. pak!

para mas ganahan ako sa paggawa ng aking weekend chores, pinatugtog ko ang aking mp3 player, habang nagluluto ako, bumanat ang fab four1 at binanatan naman ng local band collection ko:

  1. broken sonnet - hale
  2. the day you said goodbye - hale
  3. narda - kamikaze
  4. idlip - imago
  5. taning - imago
  6. same ground - kitchie nadal
  7. jeepney - sponge cola
  8. dragonfly - sponge cola
  9. klsp - sponge cola
  10. neon - sponge cola
  11. crazy for you - sponge cola
  12. lunes - sponge cola

habang namamalantsa naman ako, iba naman ang trip ko, james taylor, jim croce, don mclean at john denver collection naman tapos sinundan ng juan dela cruz band & bago sininok at naubusan ng power ang baterya ng aking mp3 player natapos rin ang album na ultraelectromagneticpop.

nakakagana talagang magtrabaho kapag may tumutugtog na music sa background. di ko namalayan na halos 3 oras na pala akong namamalantsa, yun nga lang pagkatapos kong mamalantsa, pakiramdam ko na parang tumakbo ako ng 50kms dahil sa pagod. oks lang, at least wala na kong worry pa kung ano ang susuotin ko. and the good thing is that di ako nag-skip ng chat with mylabs.

Popularity: 5% [?]

  1. the beatles 1 album []

Tags: Buhay Saudi · Home Sick Home · Pinoy sa Ibayong Dagat

3 responses so far ↓

  • 1 jeniffer // Oct 7, 2006 at 3:45 pm

    :mrgreen: xmpre! tagay ka lang sa blog koh.. walang kakupas kupas na narda.. ang sarap pa rin pakinggan.. :) naku sipag naman ni master.. :)

  • 2 tk // Oct 7, 2006 at 8:13 pm

    Yun nman pala at inspired sa kanyang lalabs eh! hehe! makikitulog ka sa blog ko? crush mo ung nasa header no? heheh!

  • 3 ann // Oct 8, 2006 at 1:30 pm

    Buti na lang may labs na nakakapawi ng pagod kahit sa chat lang.

Leave a Comment