Sunday (June 17, 2007) was Fathers Day but I did not celebrate it with my father nor with my son, both situations are complicated. Instead, I joined a photo-ops EB1 organized by i-Mag Photo forumers. The theme was “street photography”, we scaled the streets of Quaipo, Sta. Cruz, Chinatown, Binondo & near by places.
Eversince I worked outside the country, bihira ko ng mapuntahan ang mga lugar na ito, dati sa isip ko lang naka-record ang mga images na nakikita ko dito, now I have a tool to record it & share with you.

One Man Band (1/125″, f5.6 @ iso400)
In every street lies the truth, it maybe harsh but we can’t deny it. This old man is doing his best to earn a living, eyesore kung ituring ng iba, may mga bintang pang sindikato, subali’t bawat isa sa kanila ay nagpapahayag kung anong tunay na kalagayan ng ating bansa.

Behind the Church (1/1600″, f4 @ iso400)
The street also shows diversity, katabi lang ng simbahan ng Sta. Cruz ang mga nagtataasang gusali, ang mga kalye nito ay pinupuno ng mga taong abala at nagmamadali.

Plaza Sta. Cruz (1/1000″, f4.2 @ iso400)
Ang mga lansangan din ay may kapasidad na ipa-alala sa atin ang nakaraan, ang fountain na ito sa Carriedo na itinayo noong panahon pa ng mga Kastila ay nananatiling simbolo ng malungkot na bahagi ng ating lipunan. Di kalayuan dito ay ang arkong naghihiwalay sa mundo ng mga Pinoy at Tsino.

Deep Blue Sky (1/3200″, f4 @ iso400)
Sa patuloy na paglalakad, napansin kong maari rin palang maging bughaw ang kulay ng kalangitan sa s’yudad. Sa kabila ng pagbubuga ng maitim na usok ng mga sasakyan, maari pa ring mamasdan ang kagandahan ng kalawakan at sa kabila ng mga nagtataasang mga gusali, hindi pa rin natin ito maaring abutin at hawakan.

Fire Alarm (1/320″, f5.6 @ iso400)
Tuloy lang sa lakad, maraming kakaibang bagay akong napansin, isa na dito ang lumang fire alarm na ito, gumagana pa kaya ito?

Faith (1/160″, f5.6 @ iso400)
Ang pananampalataya na siguro ang may pinaka-malalim na epekto sa buhay ng mga bawat Pilipino, the image proved the convergence of 2 culture, Chinese insense were being offered in a cross.

Lazy Day (1/125″, f5.6 @ iso400)
At syempre, mawawala ba naman sa mga iskinitang ito ang mga tao? Sila ang nagbibigay buhay sa ating lipunan, iba’t-iba man ang kalagayan, trabaho, pananampalataya at paniniwala. This is just the the start, bukas (sana) ay ang ruta mula Binondo hanggang Liwasang Bonifacio naman ang ibabahagi ko sa inyo.
Popularity: 11% [?]
- Eyeball [↩]






![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)














3 responses so far ↓
1 karmi // Jun 20, 2007 at 12:21 am
ganda talaga ng Maynila!!!
kakamiss tuloy kuya…..
2 eric aka senor enrique // Jun 20, 2007 at 2:01 pm
Very charming pictures and prose, Ricky! Glad to know you guys had a wonderful time. Maybe I’ll get a chance to join the next one.
3 Photographic Memory » Blog Archive » Bug hunting at La Mesa Eco Park // Oct 13, 2007 at 10:50 pm
[...] The group belongs to i-Mag Photography Magazine Forum, some of them were my buddies when we did our street photo ops last June [...]
Leave a Comment