Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

One Hundred Pesos Per Day

April 17th, 2005 · 3 Comments

Kagabi may nagpakopya sa amin, bago kasi mag-resign si Kuya sa work n’ya sa Saudi ay nakabili siya ng second hand na photocopy machine, isang source din ng family income ito. Medyo makwento yung lalaki, he was telling a lot of stories and he came to the right place, si Nanay pa ang nakakwentuhan n’ya, best friend ng bayan yun madaling makakwentuhan.

Kumunot ang noo ko when this guy mentioned kung magkano ang sweldo n’ya as a mechanic sa isang motorcycle sales establishment na malapit lang sa bahay namin. Believe it or not, isang daan piso kada araw, sabi daw sa kanya allowance pa lang ito since bago pa lang siya sa trabaho, tatanggap lang daw siya ng P250.00 per day on his fourth month. Cool! Putang inang yan! sabi ko sa sarili ko. How do you expect a person to live on a hundred pesos per day income?

Natawa ako sa comment ni Nanay “nakaka-awa na talaga ang mga trabahador ngayon, sobrang pagpapahirap na”. Sabihin n’yo siguro anong nakakatawa doon, actually wala naman, naalala ko lang kasi during the time when I was a labor organizer, galit na galit siya (si Nanay) sa akin, “ano ba napapala mo sa ginagawa mo?” yan lagi sinasabi n’ya sa akin. Siguro di n’ya naisip noon na this kind of people are the people that I’m trying to save from the greedy, blood-sucking devils. Mga hayop na walang karapatang mabuhay sa mundo, mga taong walang inisip kundi kumita ng pera at walang pakialam kung kaninong dugo at pawis nila kukunin ang ihahain sa hapag nila, at ibibili ng kanilang luho.

The guy will leave his P100/per day job and will try to look for something better, “Good Luck” I said silently. With the current policy, he need a ton of luck to find a better job. At habang walang ginagawa ang mga organisasyong nagsasabing tutulong sa kanila, sa tingin ko matagal-tagal pa natin bago makita na may kinabukasan ang mga manggagawang Pilipino.

Hindi kayang sagutin ng mass-action lamang ang problema. Bukeke lang yan, hanggang manipis pa ang hanay natin, walang respeto tayong makukuha mula sa burgesya. Yan sana po ang isipin natin.

Popularity: 5% [?]

Tags: Daily Rants · Pilipinas · Politics & Economy · WTF

3 responses so far ↓

  • 1 chinkycay // Apr 17, 2005 at 5:32 pm

    buti na yun kasa salot sila sa bayan or sa tao. ganun na talga kahirap ngayon pero mabubuhay pa rin yan…. :) hello masterbetong hehehehe

  • 2 yendys // Apr 18, 2005 at 3:08 pm

    di ka na nasanay.buti nga me P100 pa e sa iba nga libre tanghalian na tas me take-out na pasit sa hapon ayos na. ganyan na kahirap ang bansa ngaun di lang pansin ng my pera.ikaw, ok ka lang ba?

  • 3 fionski // Apr 27, 2005 at 12:35 pm

    masturbate ong asan ka na? give ko sa iyo number ng friend ko dali!!!!!

Leave a Comment