di ako masyadong nakakadalaw sa mga blog ng aking mga kaibigan nitong mga nakaraan araw, kung ano man ang dahilan, di ko pa pwedeng i-reveal, masyadong pang maaga at baka maunsyami pa. kanina, nagkaroon ako ng pagkakataong sumilip sa ilan sa mga blog, nakakagulat kasi 2 sa kanila ang may tonong pagpapaalam.
marami na ring dumating at umalis, maraming nagsimula at tumapos ng kanilang karir sa pagsusulat ng blog. maraming nakipag-palit ng link sa akin at napansin kong nalusaw ang kanilang mga blog. sa mahigit 2 taon kong pagsusulat, hindi na bago sa akin ang ganitong eksena.
hindi ko rin alam kung hanggang kailan tatagal ang blog kong ito, maaring may mga bagong kaibigang papalit sa mga nagpa-alam, maari din namang muli silang bumalik, who knows. pero parang mahirap bigkasin ang salitang “paalam.”
para sa dalawang dalaginding na sina sasha at karmi, hihintayin ko ang pagbabalik ninyo.
Popularity: 5% [?]






![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)














5 responses so far ↓
1 jong // Nov 21, 2006 at 5:23 pm
hay yan ang pinakamahirap, ang magpaalam.. Hay…
minsan naisip ko narin na magpaalam sa aking pagbablog, pero hindi ko pa kaya.
2 tin // Nov 22, 2006 at 3:42 am
at masakit din ang magpaalam, pero kelangan.
3 manilenya // Nov 22, 2006 at 6:35 am
para sa dalawang kaibigan …nakakatouch tong entry mo
4 ann // Nov 22, 2006 at 12:27 pm
Nakakalungkot talaga kapag may mga nagpapaalam, di man sila kilala ng personal araw-araw namang nakakasama sa other side of the world(internet). Sana nga pag ok na yung mga priorities nila in life ay bumalik sila.
5 rHo // Nov 22, 2006 at 5:52 pm
nagbalik na si sasha kuya… si karmi hindi pa! nakakalungkot talaga.. pero sana kung ano man ang ginagawa nila, sana maging masaya sila!
Leave a Comment