sa ugoy ng duyan
titik ni prof. lucio san pedro
musika ni levi celerioSana’y di nagmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyanSana’y di nagmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyanRefrain:
Sa aking pagtulog na labis ang himbing
Ang bantay ko’y tala, ang tanod ko’y bituin
Sa piling ni nanay, langit ay buhay
Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyanSana’y di nagmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyanSa aking pagtulog na labis ang himbing
Ang bantay ko’y tala, ang tanod ko’y bituin
Sa piling ni nanay, langit ay buhay
Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyanNais kong matulog sa dating duyan ko, inay
Oh! inay
hindi siya perpekto, hindi rin siya super woman, sa kanya ko naranasan ang pinakamalupit na parusa, maraming beses n’ya akong pinaluhod sa asin/munggo, nilamasan ng sili sa bibig, pinadapa at pinalo. disiplina ang tawag n’ya dito, ewan ko kung naging epektibo ba. malupit man sa unang tingin pero wala akong galit sa kanya, mas tumiim sa akin ang kanyang kagustuhang matuto ako sa aking mga pagkakamali.
utang ko sa kanya ang buhay ko, hindi lamang sa pagdadala niya sa akin sa kanyang sinapupunan at sa panganib ng pagluluwal sa akin, higit sa lahat ang pagpipilit n’yang manatili akong buhay sa gitna ng matinding sakit na dinanas ko noong ako’y musmos pa.
pinilit n’yang buhatin kami, pero sadyang hindi kaya ng iisang kamay na buhatin ang bigat ng pagtataguyod ng isang pamilya. hindi man siya ang pinakamagaling na ina sa buong mundo, siya pa rin ang pinakamagaling na ina para sa taong tulad ko.
salamat nanay sa buhay, salamat sa mga aral at higit sa lahat salamat sa pag-asa, para kay nanay, kay arlene na ina ng aking bunso na panganay at sa iba pang mga ina, maligayang araw ng mga ina sa inyo.
Popularity: 6% [?]






![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)














6 responses so far ↓
1 KD // May 14, 2006 at 1:42 pm
Maligayang araw ng mga nanay sa nanay mo.
2 neng // May 14, 2006 at 2:43 pm
kakaiyak naman ‘yang awit … parang gusto
ko tuloy umuwi ngayon
Happy Mother’s Day sa amin!
3 ann // May 14, 2006 at 9:03 pm
“kay arlene na ina ng aking bunso na panganay at sa iba pang mga ina”
Akala ko “at sa iba pang mga ina ng mga anak ko” ang kadugtong nyan.
Happy mother’s day sa lahat ng nanay!
4 kisses // May 15, 2006 at 12:06 am
anong nangyayari kay mama ann
ibang klase ng mag-comment! nalipat na yata
sa kanya ang mga buhangin sa ulo ni SAM
^^alles gute zum muttertag^^ sa mga muttis
5 ann // May 15, 2006 at 12:45 pm
@kisses, kaw naman type ko lang biruin si master at betong.,for a change. Lagi kasing seryoso eh.
6 masterbetong // May 15, 2006 at 1:03 pm
@KD, salamat sir
@neng, sige umuwi ka na para makita mo na ang palasyo mo, :roll::grin::mrgreen:
@ann, isa pa lang naman ang anak ko e.:roll: yung ang pagkaka-alam ko :eek::twisted::shock:
@kisses, ganun ba epekto ng buhangin?:wink:
@ann ulit, seryoso ba lagi?:lol::mrgreen::grin:
Leave a Comment