i decided na lumipat na kahit “partial” muna, di pa nga talaga pwede kasi, kulang pa ang pera ko. yung inaasahan kong reimbursement from my company di pa rin binibigay, kesyo next week na lang daw, chus!
anyways, naka-utang naman ako kay pareng deks, 438 riyals yung reimbursable amount ko kaya 400 yung inutang ko sa kanya. that would be enough to purchase the things that i would be needing.
i came to the house around 5:20pm, dala ko ang ilan sa mga damit ko [mostly labahin], isang comforter, isang bed sheet, shampoo, sabon, colgate toothpaste, toothbrush, cellphone, mp3 player, etc. etc. anak ng bakulaw, walang tao sa room at dahil nga painit na ang panahon [in fact humid na paglabas ko galing sa office kahapon], tinawagan ko si kneeko ang hitad nag-internet pa daw siya. si pareng deks wala pa rin.
few minutes lang dumating na si niko, nagsalang na ko ng damit sa washing machine & we started moving the “furnitures” para mailatag na ang carpet. after mailatag ang carpet at ma-vacuum at matapos ang labahin, alis na si deks para maglaro, kami ni bilas [kneeko] nagpunta na sa bilihan ng second hand na gamit.
teka, kumain muna pala kami sa kudu, di naman ako gumastos kasi 2 gift certificate lang na worth 15 riyals each, galing to sa company namin. after eating, yosi punta na sa bilihan, unang nakita namin ung katre na sosyal, maganda dahil wooden tapos may head board, nong tanungin namin yung arabo kung magkano ang sagot, “fi sayyara?1“, sagot ko “la, mafi sayyara2” tama ba naman yun, requirement ba naman ang sasakyan sa pagbili ng magandang katre. tanong uli ako, “kam fulus hada?3“, sagot ng arabo, “miya sittin4“, napalunok ako, di kaya ng powers ko yan, jan pa lang ubos na ang pera. meron pong inaalok na iba sa akin pero di rin kaya ng budget, so lumipat na lang kami sa ibang store, doon ako nakabili ng 40 riyals na katreng bakal at isang side table na 30 riyals, delivery charge na 10 riyal.
tapos bumili ako ng 2 unan [30 riyals], mattress [60 riyals], pillow case [10 riyals], overall, 180 ang naubos, ok naman naka-set-up na. sa friday talaga ako maglilipat ng mga gamit ko. yung tv, ref, debede at lahat ng mga damit ko sabay-sabay na sa friday. kakapagod!
Popularity: 4% [?]






![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)














0 responses so far ↓
There are no comments yet...Kick things off by filling out the form below.
Leave a Comment