x-tra: featured ang bertdey post ko dito. thanks for the feature sir.
pasko na pero di ko naramdaman.
i overheard my 2 room mates talking kanina bago sila pumasok sa trabaho. “tapos na ang pasko, isang araw lang naman yan, bagong taon naman.”
oo nga naman, isang araw lang ang pasko, isang araw na mararamdaman mo ang kalungkutan, isang mahalagang araw sa sambayanang kristiyano, isang araw na dapat ay ginugugol kasama ang pamilya.
ano pa nga ba ang esensya ng pasko? may kahalagahan pa ba ito sa kalagayang magkakahiwalay ang pamilya? sino nga ba dapat ang magdiwang tuwing pasko?
naalala ko ang isang pamaskong sermon ng isang pastor, matagal na ito pero parating nanunumbalik sa akin tuwing sumasapit ang araw na ito. sabi n’ya: “ang sinisimbulo ng eksena sa sabsaban sa betlehem ay isang pamilya, isang pamilyang buo, ama, ina at anak.”
realidad na ang paskong hindi magkakasama ang buong pamilya, hindi man ito pinaghiwalay ng tadhana, pinaghihiwalay ito ng pangangailangang pang-ekonomiya. gusto kong balikan ang esensya ng pasko, hindi lamang ang pagsilang ng tagapagligtas ng mundo, hindi ang regalong hatid ng tatlong pantas mula sa silangan kundi ang pamilyang buo sa gitna ng kahirapan.
Popularity: 27% [?]





![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)















3 responses so far ↓
1 Nancy // Dec 25, 2006 at 5:03 pm
nakakarelate po ako sa sinulat ninyo. tunay na mahalaga ang pamilya, pero kahit malayo sila nawa’y maiparating pa rin ang pagmamahal— bumabagtas naman po ito kahit na malayo ang distansya. Maligayang pasko po!
2 Tuts // Dec 26, 2006 at 1:15 pm
Korek korek at isa pang korek!
3 LaBs // Dec 26, 2006 at 3:22 pm
Wow.. congrats! at na-i-feature pa pala! ang galing kase mag-senti!!!
Leave a Comment