Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

Proteksyon…

December 6th, 2004 · No Comments

Naalala ko noong nagsasagawa pa akong ng edukasyon para sa mga manggagawa, maraming mga tao akong nakakasalamuha, dahil nga sa boom ng “industriyalisasyon” sa aming lalawigan, lumaki ang in-migration rate. Mga kabataan mula Batanes hanggang Jolo ay naglipatan sa aming lalawigan upang makakuha ng trabaho.

Sa isang sesyon ng PAMA (Panimulang Araling Manggagawa) ay ikinataba ng puso ko ang sinabi ng isang manggagawang aking tinuturuan. Doon po sa amin sa Mindoro ay walang makapag-putol ng puno, binabantayan po kasi ng mga NPA ang mga gubat doon.

Nakakatuwang marinig mo ang appreciation sa masa. Mga simpleng bagay na ginagawa ng mga kasama na may malaking impact sa buhay ng mga karaniwang tao.

In the event of a disaster katulad ng ginawa ni Winnie. Nauso na naman ang hintuturo, lahat na lang hintuturo ay nakatutok kung sinong malas ng tamaan. Isa lang naman ang itinuturo, illegal logging daw ang dahilan kung bakit nagkaroon ng landslide.

Eto na ang problema, sabi nila mga karaniwang mamamayan daw ang gumagawa, mga katutubong Dumagat at iba pang lokal na mamamayan ng Quezon.

Ok lumiliit na ang direksyon ng “turo”, eto na ang problema, sabi ni Gloria, NPA daw ang protektor ng mga “illegal loggers” at sila daw mismo ang gumagawa. Teka, aba! Tila bumabangga ito sa sinabi sa akin ng manggagawa mula sa Mindoro.

I’m not saying na guilty sila, pero teka di ba teritoryo nila ang Sierra Madre. Sa tingin ko ay nakakasalubong nila ang mga iyon, obvious naman siguro kung magpuputol ng puno ang mga tao, may dalang chain saw o kaya palakol.

Simple lang naman ang punto, pag bahay mo ayaw mong masira, pag bakuran mo ayaw mong madumihan, kapag taniman mo ayaw mong may ibang umani (unless binili sa iyo).

I just home na propaganda lang ung mga iyon. Masyado ng nagiging unpopular ang mga kasama.

Popularity: 4% [?]

Tags: Pilipinas · Point of View · Politics & Economy

0 responses so far ↓

  • There are no comments yet...Kick things off by filling out the form below.

Leave a Comment