Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

r. hidalgo - photographer’s haven

October 4th, 2006 · 7 Comments

mapa ng quiapo
kung may dapat kang bilhin, alam mo na kung saan ka pupunta sa maynila. kung kailangan mo ng electronic products & parts sa raon ka dapat pumunta, kung bulaklak sa dangwa naman, kung lechon sa laloma, kung hopia sa ongpin, kung lumang libro sa recto (isama mo na ang pekeng diploma at transcipt). isa pang kalye na may distinction sa maynila ay ang r. hidalgo, it is regarded as the pinoy photographer’s haven. bakit nga naman hindi, dito na yata naipon ang mga tindahan ng mga photography materials & gadgets.

mula sa camera, lenses, films, album, flash, lighting, developing at kung anu-ano pa, makikita mo rito. dito naka-hilera ang ilan sa mga kilalang dealer ng camera like henry’s, watson, avenue & mayer to name a few.

unang punta ko sa hidalgo ay noong rumaraket pa ako bilang videographer, nauutusan kasi akong doon magpa-develop at magpa-album. nakakapikon lang kasi pumunta doon kasi nga santambak na vendors ang nasa gilid at gitna ng kalye. after that 2004 na ako nakabalik when i bought a nikon 70 ~ 300 lens, syempre pag dumalaw ako doon di pwedeng hindi kakain ng kwek-kwek, kikiam o tokwa sa tapat ng sm plus panulak na shake. june last year ang huli kong dalaw doon, saksi ang hidalgo street nang magpaalam ako sa aking nikon f-55 camera, broke si master that time kaya ang pinakamamahal kong camera ang nagsalba sa akin.

pinoyphotography.org announced the inaguration ng r. hidalgo, may mga renovations yatang ginawa ang city government, it was originally scheduled on September 29, pero dahil nga dumalaw si milenyo kaya na-postpone ito, bukas ang inaguration ng r. hidalgo.

teka, ano nga kayang pagbabago ang naganap? maputik pa rin kaya ang kalye? andun pa kaya yung mga vendors ng ukay-ukay items? e yung tindahan ng masarap na palabok, andun pa kaya? nasa gitna pa kaya ng kalye ang mga tindero ng prutas? basta wag lang alisin ang tindahan ng kwek-kwek sa kanto masaya na ko! hehehe!

hmmm… madalaw nga pag nagbakasyon ako.

Popularity: 12% [?]

Tags: Blast from the past · Photography · Pilipinas

7 responses so far ↓

  • 1 karmi // Oct 4, 2006 at 11:39 pm

    kuya, alam ko ung mga lugar na binanggit mo, kaso di pa ako nakakapunta.. pwera na lang sa recto na kung san tambay kami dati.. :)

    oo kuya, sarap balik-balikan ng mga lugar sa pinas.. :) may pinagbago naman ata.. lalong sumikip ang daan.. hehehe.. ^_^

  • 2 TK // Oct 5, 2006 at 12:17 pm

    Cguro mura ang mag pa develop dun no? hmmm.. nag iisip kasi akong gumawa ng wedding album ko, sariling design ko narin, pero ang hahanap ako ng murang developing at murang album (ing?) eheheh!

  • 3 Ymir // Oct 5, 2006 at 12:56 pm

    aba may renovation pala. di ko nabalitaan yun ha. makapasyal nga minsan.

  • 4 master // Oct 5, 2006 at 2:39 pm

    @karmi, uwi ka na uli!

    @TK, sa hidalgo mura pa-album.

    @ymir, di ko rin alam kung anong development, i have to find out pag-uwi ko, di ko alam kung kelan!

  • 5 melai // Oct 5, 2006 at 4:51 pm

    uy matagal ng hindi maputik ang hidalgo ano? yun nga lang matao pa rin .. at yung sa underpass malinis na malinis na matagal na di pa ko nakakarating dito siguro mas maganda ngayon.

  • 6 rHo // Oct 5, 2006 at 10:52 pm

    ginutom naman ako sa kwek-kwek na yan! ang saraaapp… tapos lagyan ng suka! yay.. solve na solve na!

  • 7 master // Oct 5, 2006 at 11:16 pm

    hay naku melai, minsan maputik pa rin at totoong sobrang sikip ng lugar!

    @roan, talap ng kwek-kwek!!!

Leave a Comment