whew! binabagyo sa pinas pero dito sobrang init pa rin, on the way home around 4:20pm nakita ko yung temperature na umabot sa 40°c, grabe na ito, sabi nga nila ngayon pa lang ’sumasarap’, we still have more than a month of this kind of weather.
before quitting time, tumawag si nix, “dre gusto mo magluto ng adobong yobabs?”, op kors! nakapagpabili daw siya ng isang kilo, demn! kuwarenta riyales ang isang kilo! pag check ko sa calculator lagpas limang daang piso ang isang kilo, ganun talaga yata pag bawal. actually mas mura pa ito ng beinte riyals, sisenta hanggang otsenta ang bentahan dito. kahit mejo palpak ang pagkakaluto ko, masarap pa rin kasi nga yobabs yun e!
this not an excuse pero, kasi naman naglalaba ako habang nagluluto, parang ano kaya ang lasa ng nilalabhan ko, or babanlawan ko na ba ang adobo? hehehehe! tapos hindi na nga ako magaling magluto, mas hindi pa magaling yung lutuan namin, sa totoo lang mahirap tantyahin ang init ng electric stove, sanay lang po ang inyong lingkod sa kalan de uling :P.
it’s weekend pero nasa work ako, unlikely for me, pero kasi naman kailangang (kumita ng pera) matapos yung ilang pending jobs. saan ka naman kasi nakakita ng department na during crucial times e nakabakasyon ang manager, section head at ilang staff. budget period pero “all-filipino” kami dito sa finance (& hr), deadline ng manpower budget pero yung magre-review tumakas sa init ng haring araw dito sa kaharian at nag-e-enjoy sa panonood ng ulan (at babaeng naka 2-piece) sa dulong silangan (indonesia, malaysia, thailand).
after work, may praktis naman ang team namin, malamang may “mamam” na naman! tapos sa linggo naman ang laro, manood naman kayo hoy! hehehehe! teka, bakit sobrang daldal ko ngayon? bakit nga ba? di ko rin alam e!
Popularity: 10% [?]






![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)














4 responses so far ↓
1 jlois // Jul 27, 2006 at 2:57 pm
no comment :grin::cool:
2 karmi // Jul 27, 2006 at 5:22 pm
ano nga kaya ang lasa ng sinabunang manok at adobong pantalon kuya? hehehe…
medyo madaldal ka nga.. bakit kaya? hmmmm.. well, gudluck po sa susunod na laro.. ^_^
3 TK // Jul 28, 2006 at 6:41 am
O malamang inspired ka sa malabs mo, kaya madaldal ka.. naka score kana cguro.. sana tuloy tuloy para makapag championship na kayo.. kung ano man ang pinagsasabi ko intindihin nyo nlang, kc nagdadiet ako kaya ayoko muna sa yobabs nayan…. heheh!!
4 ann // Jul 29, 2006 at 1:29 pm
Siguro “ano” ng baboy yung inadobo mo kaya madaldal ka…hehehe.
Leave a Comment