Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

Random

October 23rd, 2007 · 1 Comment

Walang masyadong activity this month, kung baga sa tindahan, madyo matumal ngayon. Isa lang ang raket ko, meaning kailangang maghigpit din ng sinturon. It’s also a great opportunity to expand my knowledge, bukas ang 1st day ng 2 day Primer on Lighting Workshop ko sa Ayala Foundation, Jay Alonzo will be the resource person of the said workshop.

In the meantime, hayaan n’yo munang isulat ko ang mga idea at impressions na nabuo sa isip ko these past few days.

* * * * * * * *

PhP 500,000 Assistance

Finally may umamin na kung kanino nanggaling yung tig-kalahating Milyong Piso na inabot kina Gov. Ed Panlilio ng Pampanga at Gov. Joselito Mendoza ng Bulacan, although maraming nagsasabing nakatanggap din sila pero ayaw namang magpakilala. Matagal nang itinatanggi ng MalacaƱan na sa kanila nanggaling ang pera, ngayon may naglakas ng loob ng umamin. Galing di-umano ang pera sa League of Governors, nakakapagtaka lang kasi parang ang tagal bago nila nalaman na galing sa kanila yung pera.

If my memory serves me well, October 11 pa nangyari ang pagbibigay ng “assistance” na ito, pero ngayon lang naalala ng mga lider ng League of Governors na sila ang nagbigay nito sa dalawang gobernador. Sino kaya nagpa-alala sa kanila.

* * * * * * * *

Calamares con Formalin

Nagkalat ngayon sa kalye ang pritong pusit na mas kilala sa tawag na “Calamares”, mura lang ang isang hiwa nito, tatlong piso lang ang bawat isa. I am a self-confessed street-food addict, lahat na yata ng nausong kakanin sa kalye tinikman ko, mula fishball, kwek-kwek, one day old, bopis, leeg ng manok, etc., lahat ng yan di nakakalampas sa akin. Sa totoo lang masarap para sa akin ang Calamares, medyo nagtaka lang ako kung bakit mura ang pagbebenta nila nito. Kahit anong tuos ang gawin ko, parang hindi kayang ibenta ng ganoong kamura ito.

Parang nagkatotoo ang hinala ko nang mahuli sa Navotas ang isang trak ng imported na pusit galing China, pinaghihinalaang may Formalin ang mga pusit na ito, at opo ito ang ginagawang Calamares. Although hindi pa lumalabas ang resulta ng test (kung meron man) para ikumpirma na may formalin nga ang mga ito, siguro titiisin ko na lang muna ang sarili ko.

* * * * * * * *

Please Forgive Me

Ini-atras na ng [mga] kampo(n) ni Erap ang MR (Motion for Reconsideration) sa Sandiganbayan, handa na raw nitong tanggapin ang pagpapatawad ni Gloria. Pero siyempre walang admission of guilt at in effect status quo ante, parang walang nangyari. Iba talagang magluto si Sec. Puno.

* * * * * * * *

Wanted

Wanted na si ARMM Election Supervisor Lintang Bedol, he’s facing a fine of PhP 1,000 at possible 6 months imprisonment for contempt. Ang lupet!

* * * * * * * *

Sige dito muna ko, parang ginaganahan na naman akong magsulat ng magsulat. Karmi, sensya na di ko pa nagagawa yung tag mo, nag-iisip pa ako e.. See you soon.

Popularity: 10% [?]

Tags: Personal · Photography · Point of View · Politics & Economy

1 response so far ↓

  • 1 Schumey // Oct 24, 2007 at 8:32 am

    Yung pandak sa palasyo ang nagpa-alala sa mga ulyaning mandarambong kung kanino galing yung pera.

Leave a Comment