nak ng kagaw! taon-taon na lang nagpo-post ako ng aking christmas wish at taon-taon ding hindi ito natutupad!
eto karir mode na ang christmas wish ko, naglagay na akong link kung saan kayo bibili (hover lang kayo sa mga pics para makita ang details at click kung bibili), hehehehe! kapalan lang talaga ng mukha yan!

my never-ending wish for a digital camera! ito po ay nikon d80 digital slr1 camera, 10.2mp & other tsu tsu na baka kapag sinabi ko pa ay ma-bore lang kayo at hindi n’yo pa ako ibili.
kidding aside, medyo may kamahalan lang ng konti, sa pinas ang price range is from 52 - 60 thousand pesos. dito nakapagtanong ako last week, body pa lang (meaning walang lens) 4,990 na!

syempre kung magreregalo kayo ng camera, samahan n’yo na rin ng librong 100 ways to take better photographs, nakita ko lang yan while browsing amazon.
it looks promising, sa pamagat pa lang na-attract na agad ako, 100 ways lang pala naman para makakuha ng mas magandang photos. malaking tulong para sa isang nangangarap na maging litratistang tulad ko ang makakuha ng tips mula sa mga professionals. hmmm… iniisip ko lang kung meron tips jan kung paano kumuha ng babaeng naka-hubo! hehehehe!
mura lang ito kaya order na!

syempre naman magandang magkuha ng picture habang nakikinig nga magaganda at relaxing na music. kaya isinama ko na rin sa wishlist ko ang isang 80gb na ipod, yung black para macho ang dating!
basically that’s it, 3 simple wish for my upcoming bertdey & para sa krismas na rin. masyado bang maluho? hehehehe! di naman bawal ang mangarap, ikatlong taon ko ng nag-wish, kung hindi matupad this year, uulitin ko na lang uli next year.
Popularity: 9% [?]
- single lens reflex [↩]






![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)














8 responses so far ↓
1 tin // Dec 9, 2006 at 12:45 pm
wish ko namang pasko, magkatotoo na sana yang mga wish mo.
2 yaku kasapi ng pinsel // Dec 9, 2006 at 11:13 pm
isa ren akong sa mga nangangarap na mkabili ng ng slr cam.napakasarap tignan parang isang mainit na sabaw na napakasarap higupin sa panahon ng taglamig at hanggang sa kasalukuyan isang masinsing sulyap ang ginagawa ko kapag nkakakita ako ng mag bagong slr camera.
3 Sayote Queen // Dec 10, 2006 at 7:06 am
Halu master! Apir!
Ang tindi ng mga nasa wish list mo ah. Parang di ko kayang ibigay sayo. Wakokoko
Pero meron ako nung book. Pag nagkita tayo pahihiram ko hehehe
Kaso ang layo mo eh
Wish ko makuha mo lahat mga wish mo. Good boy ka naman di ba kaya bibiyayahan ka ni Santa Clause
Gusto ko rin yung D80. Siguro pag 50 years old na ako, mabibili ko yan. Pag-iipunan ko na ngayon. hehehe
Good luck at advance merry christmas ulit
Advance Happy Birthday din. San ang blowout?
4 Ferdz // Dec 10, 2006 at 9:37 am
bloghopping po…
Ang tindi ng wishlist mo. Sana ma-ambunan ka ni Sta. Clause ng mga yan. Good boy ka naman ata. hehe
5 ann // Dec 10, 2006 at 1:34 pm
Ang haba naman ng post mo para kay labs mo, pati ba ito para pa rin sa kanya…hahaha!
6 neng // Dec 11, 2006 at 1:16 pm
ej, type ko rin iyong pangalawa ah, idagdag ko
nga rin yan sa listahan ko:wink:
o di kaya exchange gift na lang tayo master
para di na problema
7 Ang Blog ni Sayote Queen » Blog Archive » Wish List Ngayong Pasko // Dec 14, 2006 at 1:15 am
[...] Si Master pala may wish list din! Puntahan niyo Siya ang inspirasyon ng post na to. [...]
8 ralphT // Dec 15, 2006 at 10:27 am
just hope that santa reads your blog! lol
Leave a Comment