Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

Sobrang Init!!

April 29th, 2005 · 1 Comment

Grabe ang init sa Philippines!!! Hehehe!

Sa totoo lang iba ang init dito, I’ve experience 50 degrees sa Saudi pero hindi ganito kahirap. Doon kasi di ako pinagpapawisan kahit mainit, mejo mahirap nga lang huminga because of the humidity level. Dito kasi sticky ang init, ung sobrang pagpapawisan ka talaga.

Hirap ng matagal na nawala sa Pinas, mejo naninibago ako sa panahon. At least dito maraming pampaalis ng init (kung ano mang init ang gusto n’yong isipin), I mean ung init ng panahon.

Two days ago, dinalaw namin ang puntod ng second child ng kuya ko, Junior died a day after his birth, April 27, 2001, 3 years old na sana siya now. We laid some flowers & candles, kasama ko ang Kuya ko and si CD (Junior’s ate). After a short stay sa memorial park, nagyakag si Kuya na kumain sa Digman. Digman is known for it’s Halo-halo, people had mistaken Digman as just a business name, in the 80’s it has been synonimous to Halo-halo, but for everyone’s sake, Digman is the name of the barangay where these delicious halo-halo is being served.

Digman brought some good memories of my youth. Malapit lang kasi ito sa school namin noong high-school, before the spawning of the malls & fast foods sa Cavite, Digman lang ang sikat na kainan, ika nga sosyal ka na pag nakakain ka sa Digman, sosyal na ang date mo pag nag-Digman ka.

Marami ding mis-adventure sa Digman, madaming kwento na naipapa-alala sa akin ang lugar na ‘yon.

Anyways, they still hold on to the business kahit mejo matumal na ang negosyo. Isa na siguro ito sa pwedeng ipagmalaki ng mga taga-Bacoor.

Popularity: 6% [?]

Tags: Cavite · Daily Rants · Pilipinas · Talk About the Weather

1 response so far ↓

  • 1 yendys // Apr 30, 2005 at 4:55 pm

    kahit halo-halo me gitgitan pa din. halos lahat ng fastfood chain nag-o-offer ng masarap na lasa. ewan ko ba mas masarap pa nga ung gawang bahay. sa naghihiap natingbansa sa-malamig ok na. pamatid uhaw sa init ng panahon.
    ingat ka dyan. bawal din sau sobrang init db

Leave a Comment