Palabas na ang Spiderman 3 dito sa Pilipinas, noong May 1 ang advance screening nito, di na ko nakipagsiksikan kaya inantay ko na lang ang regular screening nito.

Kanina isinama ko si Tobey na manood ng Spiderman 3 sa isang mall na malapit dito sa amin, kahit nga abala sa paglalaro ay nagmamadaling umuwi ng malamang manonood kami ng sine. Nag-enjoy naman si Tobey everytime na lumalabas ang friendly kapitbahay sa screen at bored kapag wala ito o kaya puro kwentuhan lang ang palabas. Habang wala si spidey, panay ang tanong kung kakain ba daw kami sa Jollibee, oo naman ang sagot ko. Bukod kasi sa adik sa spaghetti ang batang ito, may nakitang Spiderman action figures na libre sa bawat kiddie meal na bibilhin.
Wala namang magagawa ang mabait na Tito kundi tuparin ang wish ng aking pamangkin, nag-enjoy din naman ako sa pagkain at panonood ng sine.
Popularity: 14% [?]





![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)















1 response so far ↓
1 matt // May 5, 2007 at 5:02 am
Mas enjoy kung kasama mo sana si Mama Bear! Balita ko kasi Love Story daw ang Spiderman ngayon…
Leave a Comment