Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

start them young

April 21st, 2007 · 2 Comments

i read about “starting them young” somewhere at parang di ko na ito maalala kung saan. yes naniniwala ako na dapat ganoon ang maging attitude natin towards our children. we must encourage them kung ano man ang gusto nila.

Young Photographer

I’ve posted this pic before sa daily snaps blog ko. i took this photo when i covered tim’s first birthday, nakita ko si tobey na kinukunan ng picture ang mommy n’ya.

at first ang tingin ko ay magandang material lang for my blog, a four year old kid taking picture of his mom is not a common sight. since umalis yung yaya nila, kami na ang tumitingin sa magkapatid everytime na nasa work ang parents nila, kaya medyo mahaba ang bonding moments namin.

about 3 days ago, busy ako sa pagkuha ng snap shots ni tim, lumapit si tobey sa akin at nagpa-alam “tito, kunan kita picture.” i was kinda hesitant, mabigat ang camera ko, mahigit itong kalahating kilo tiyak akong mahirapan siyang bitbitin. so isinabit ko ang strap sa balikat nya at pinahawakan ang camera. he took my picture na nakapost sa last entry ko, nagrereklamo pa nga noong una kasi walang live preview sa lcd screen ng aking camera. tinuruan ko siyang sumilip sa view finder, at nagsimula na siyang mag -shoot.

Feet's off!

signature shot ito ni tobey, nung ipinakita ko ito sa mommy n’ya, ikinuwento n’ya na may ganitong klaseng kuha rin daw si tobey noong nagpunta sila sa puerto galera, in fact maraming humingi noon para gawing desktop background sa pc nila.

Bulaklak

ito naman ang version n’ya ng flower shot.

By the window

a shot of the window.

Busy hands

and a shot of my hand while working on my computer.

ang sarap mag-encourage ng bata, i just hope i can guide him para mas ma-appreciate n’ya ang photography, by the looks of it, mukhang mas magaling siya kaysa sa akin. hehehehe

Popularity: 10% [?]

Tags: Family Matters · Kids · Photography

2 responses so far ↓

  • 1 Matt // Apr 22, 2007 at 1:32 pm

    Okay yan bagong neofight… May magmamana na nang mga paglulumaan mo, and he have a good composition too, kinakailangang tutukan mo na yan master and isama mo na rin sa mga photo-ops. mo nang lalong mahasa at lumawak ang imagination…

  • 2 kneeko // Apr 23, 2007 at 7:49 pm

    ayos dre ah.. marunong si tobey… pag nakahiligan niya ng tuluyan yan sisikat yan hehe

Leave a Comment