
ito ang itsura ko noong umuwi ako last december (yun pong may hawak ng buwaya at hindi yung buwaya), long-hair ang master. hindi ako nagpagupit 3 months bago ako umuwi. statement ko yun, dahil nga bawal ang long-hair sa saudi, nagpakasaya akong mahaba ang buhok hanggang maka-uwi.
medyo may katagalan na rin na hindi ako nakapag-pahaba ng buhok, at s’yempre pa, dahil sa aking rebelious attitude, walang maka-kontra sa akin (hehehehe!). about 2 weeks ago binabatak na ako ng aking mahal na ate papasok ng isang parlor, pero di n’ya ako mapilit na magpagupit.

ito ang kuha ko about 3 days ago, kuha ito ni tobey, yung 4 year old na pamangkin ko gamit ang aking camera (one of this day i will post his shots), mukha na talaga akong eng-eng dahil sa kapal ng buhok ko, sobrang dry pa!
kahit na nga dry at parang sabukot1 ang buhok ko, wala pa rin akong balak na magpagupit. ito ang nagpabilis ng pagpunta ko sa barbero, ang patuloy na pag-init ng panahon.
noong martes april 17, naitala ang pinakamainit na temperatura sa 36.8°c, buong magdamag akong pinagpawisan! kulang ang powers ng aking electric fan upang kahit paano ay ibsan ang init ng panahon.
ayon sa pag-asa (sana hindi totoo ang prediction nila) mas lalo pa daw iinit a susunod na buwan, demn! kulang pa ba ang 36.8°c? kaya naman kahit labag sa aking kalooban, nagtungo ako sa barberya at nagpa-alam sa aking buhok na hindi inalagaan ko ng halos 3 buwan. kailangan ko ng gawin yun mga prends, mahirap na ang abutin ng heat stroke. matapos ang ilang minuto, ito na ang resulta.

kuha pa rin ito ni tobey ilang oras matapos akong bastusin ng barbero! hehehe! sa totoo lang mas komportable ako ngayon na maikli na ang buhok ko, siguro after summer na lang ako uli magpapahaba ng buhok at promise, aalagaan ko na ito.
Popularity: 5% [?]
- isang klase ng ibon na malago ang balahibo [↩]






![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)














4 responses so far ↓
1 karmi // Apr 20, 2007 at 8:51 pm
wow.. clean cut kuya ah..
ganda ng gupit.. summer na summer na nga dyan sa pinas.. waaaaaa.. uwi na rin ako!!!!! hehehe..
2 tin // Apr 20, 2007 at 10:18 pm
master, mas pogi ka nung long hair. Hakhakhak.
3 melai // Apr 21, 2007 at 12:02 am
wow galeng ni toby magshoot ha
kuhang kuha yung kulet ng tito lol!!!
grabeh no ang init ako naman di makapagpagupit kasi kapag nagpagupit ako di ko maitataas ang buhok ko mas mainit kapag nakalugay kaya no
4 Master’s Photographic Memory » start them young // Apr 21, 2007 at 9:59 pm
[...] isinabit ko ang strap sa balikat nya at pinahawakan ang camera. he took my picture na nakapost sa last entry ko, nagrereklamo pa nga noong una kasi walang live preview sa lcd screen ng aking camera. tinuruan [...]
Leave a Comment