una sa lahat, natalo kami, tulad ng sinabi ko kahapon ma’asalamah1 ang team namin sa da’awah tournament. i never complained of our previous losses, malinaw para sa akin ang mga pagkakamali namin as a team, kagabi, it was frustrating, kasi despite a depleted line-up, maganda ang inilaro ng mga players namin. it was the calls that made the difference, wadapak!
to add insult to injury, na-nenok2 ang bisikleta ni alan, it was neatly parked outside the complex, with matching lock pa, paglabas namin galing sa pagkatalo wala na ang bike, pero andun pa rin ang lock!
at dahil nga nawala ang bike ni alan, para naman kaming sardinas sa loob ng sasakyan, imagine an old toyota with 7 passengers and a driver! kinandong na lang ni doms si alan hanggang makarating kami sa aming destinasyon. “muskillah3 sadiq4“ sabi ng itik5 na driver, di ko lang alam kung ano ang problema, kung natatakot siyang mahuli ng pulis o takot siyang bumigay ang pang-ilalim n’ya.
sa awa naman ng diyos ay nakarating kami ng maluwalhati, nagkayakagang kumain ng halo-halo sa pancitan restaurant, “doon tayo sa itaas, may pinoytv doon, majika na ang palabas” yakag ni alan. aba! talagang alam ang skedyul! pancit at halo-halo ang pinagsaluhan namin with matching cursing [sa mga bopols na referee], pero maganda talaga ang majika, at ang sarap ganda talaga ni angel locsin!
Popularity: 8% [?]






![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)














2 responses so far ↓
1 rHo // Sep 7, 2006 at 9:49 pm
oks lang yan kuya, bawi na lang ulit sa susunod! ako rin nanonood ng majika nung umuwi ako ng pinas….. hehehehe!! teka, ano pala ang nangyari kay oyo boy?! hahaha!
2 TK // Sep 8, 2006 at 7:48 am
Pano di gaganda si Angel, eh litaw ang cleavage… haha! yun lang pinapanood dun eh! napanood ko na sya for about 3 days, kc libre ang pinoy tv dito hanggagn sept 15, tapos dun balik tfc na ulit ako… ganda rin pala captain barbel ei!
oks ang halo-halo pampatanggal init ng ulo.. naku pati bike tlga piang kainteresan.. grabe no!
Leave a Comment