Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

teka, bakit?

March 18th, 2006 · 5 Comments

Kagabi hinuli ng mga pulis si DSWD Secretary Dinky Soliman at Black & White Convenor Enteng Romano habang “namamasyal” sa baywalk.

Dinky caught

Nakakatuwa kasi habang inaaresto sila, gustong malaman ni Soliman kung ano ang kaso, “minsan lang ako maaresto, dapat malinaw kung bakit n’yo ako aarestuhin.” s’yempre ang mga masunuring pulis na napag-utusan lang di maintindihan ang isasagot, di naman katulad ng mga rugby boys o iba pang mangra-raket lang sa baywalk ang hinuhuli nila.

naisip ko tuloy na payuhan na lang ang mga pulis natin, sakali mang manghu-huli sila, eto ang listahan ng pwede nilang sabihing dahilan.

  1. bawal po ang may hi-lite dito habang namamasyal
  2. bawal po ang naka-itim, dapat po naka-hawaiian shirt katulad ng kay mayor
  3. bawal po kasi ang naka-itim lalo na at marami kayo, para kayong satanista
  4. bawal po ung taglish na message sa t-shirt, dapat po ang nakalagay ay “patalsikin na, ngayon na” hindi “patalsikin na, now na!”

sana may natutunan ang mga pulis sa payo ko, tapos n’yan hulihin na rin nila lahat ng mga nagde-debate sa luneta, kasi sabi nila bawal ang public assemly, ung rally ni brother mike sa grandstand bawal na rin dapat ‘yun. yung mga prusisyon bawal na rin dapat ‘yun. dapat bawal na rin ang pilahan ng jeep at pagpila sa lrt/mrt kasi public assembly din ‘yun diba?

naisip ko lang, sobrang paranoia na ang administrasyong arroyo.

[tags]Philippine Politics, Philippine Government, Police[/tags]

Popularity: 7% [?]

Tags: Pilipinas · Point of View · Politics & Economy

5 responses so far ↓

  • 1 jong // Mar 18, 2006 at 1:44 pm

    sobra na!

  • 2 bing // Mar 18, 2006 at 4:31 pm

    paranoid is the word… i agree.

  • 3 sweetskittles // Mar 18, 2006 at 10:37 pm

    I never liked Soliman…
    Her drama on the President’s resignation has now blotched my head w/ the song “If we hold on together” - it happens everytime I see her. Aaargh I’m hearing it again.

    LSS…

  • 4 micah // Mar 19, 2006 at 1:06 am

    sobrang gulo na!

  • 5 melai // Mar 21, 2006 at 9:41 am

    uhmmnnn… lift na ang Proc 1017 diba? bakit me warrantless arrest pa rin? tsk tsk tsk ….. sabi ko na nga ba e …. parang martial law wari 20 years lang yun pala hanggang sa ka apu apuhan ng mga pulitikong to e martial law pa rin.

Leave a Comment