
Di ko alam kung paano ko ipakikilala ang sarili ko, since I started this blog, paiba-iba na ng style ang profile page ko. Noon parang resumè, tapos naging narrative hanggang tinamad na kong i-update. Now, naisip ko na since pitong taon na kong adik sa chatting, ginawa kong parang chatting/interview portion ang profile ko. There are my recollections of some of the personal questions na ibinabato ng mga ka-chat ko sa akin. Enjoy!
- Sino ka?
Ricardo Lara Refuerzo, minsan Masterbetong, Thoots, Ricky. - Saan ka galing?
Ipinanganak ako bahay namin sa barrio maliksi sa bayan ng bacoor1 [labinlimang kilometro mula sa luneta2] lalawigan ng cavite 1 oras 30 minuto bago ang simbang gabi3, dalawang araw bago magpasko, 8 araw bago pumasok ang dekada sitenta. ika-apat sa limang anak nina corazon del rosario lara ng imus, cavite at herminio owares refuerzo ng nabua, camarines sur. - Bakit genyan mga nickname mo?
‘Yung Masterbetong nom de plume ko at the same time username ko sa irc-undernet, Yung Thoots, pinagandang tunog ng Toto ‘yun talaga ang nickname ko sa bahay, Ricky ginagamit kong palayaw mula college hanggang ngayon. - Masterbetong? Parang ang bastos naman nun!
Depende ‘yan sa nabasa. Kung bastos ang tingin mo, ibig sabihin madumi isip mo! Hehehe!
- Ilan na asawa mo?
Wala. - Binata ka?
Obvious ba? - Tanda mo na! Binata ka pa rin?
Paki-alam mo?! - May anak ka daw, paano nangyari ‘yun wala ka namang asawa?
Gusto mo kwento ko paano nabuo si Karlo? - Wag na lang! Ilang taon na siya? Nasaan anak mo?
Nasa Nanay n’ya, 10 years old na siya sa June 2006 - Bakit wala sa ‘yo anak mo?
Bakit nga ba? Art. 176 of Executive Order No. 209 (Family Code of 1987)? Besides, mother knows best daw, isa pa, ala naman ako sa Pinas eh. - Nasaan ka ba now?
Nasa Saudi ako, Jubail in particular - Ano ginagawa mo d’yan?
Nagta-trabaho! Obvious ba?! - Pilosopo! Ibig kong sabihin, ano trabaho mo d’yan?
Linawin mo kasi, clerk po ako dito - Kelan ka pa jan?
Since November 1999 pa - Bakit di ka pa nag-aasawa?
Wala pang magkamali sa akin e. - May GF ka?
Sa ngayon, wala. - Pihikan ka siguro.
Sa itsura kong ‘to, mamimihikan pa ako?! - In love ka ba naman?
Next question please… - Ano libangan n’yo jan?
Basketball, chatting, pasyal kung saan makarating. - Ikaw ano hobby mo?
Mahilig ako kumuha ng picture, gusto kong maging photographer, pag sinisipag sumusulat ng kwento, nagbabasa, gumuguhit, basta kahit ano na lang. - Ano naman binabasa mo?
Sa ngayon 2 naka-pending, puro fiction binabasa ko, favorite ko si John Grisham. - Nagsusulat ka ng kwento?
Yeps, un-published - Bakit naman?
Walang gustong bumili e. - Ano naman paborito mong subject sa photography?
Karaniwan? Nature, Tao, mahilig din akong mag-experiment sa ilaw. - Ano gamit mong camera?
Dati Nikon F-55 tapos 3 lente ko, isang nikkor 28-80mm, isang sigma 70-210mm at isang nikkor 70-300 pero naibenta ko na lahat ‘yun. - Patingin naman ng mga picture?
Dati may web gallery ako, ngayon sarado na, try ko uli mag-open. Sabihin ko sa ‘yo pag meron na.
- Ano naman ginuguhit mo?
Mostly unfinished sketches ng tao, hayop at lugar. - Nasaan ‘yun? Bakit di mo i-publish?
Nasa sketch pad ko, unfinished e.
- Kelan ka pa nagsimulang mag-blog?
Matagal na, sa pagkaka-alala ko 2002 pa pero pasulpot-sulpot lang, blogger pa gamit ko dati. Pero kinarir ko ito noong May 2004 tapos kong i-register itong masterbetong.net - Bakit ka nag-blog?
Basahin mo to. - Sino naman nagtulak sa ‘yo na mag-blog?
‘Yung ex ko, bago ako pumunta dito sa Saudi noong 2002 kung di daw kami makapag-chat o makapag-email make sure daw na may entry ako sa blog para updated siya. - Sa tingin mo hanggang kelan ka magsusulat sa blog mo?
Depende. Siguro hanggang may maisusulat pa ko at hanggang may nagbabasa pa ng blog ko. - Ano naman masasabi mo doon sa mga anonymous bloggers?
Choice nila ‘yun. May mga taong napakahalaga ng privacy para sa kanila e, I can respect that - Sabi nila frustrated writers daw ang mga bloggers?
Not really, some bloggers writes column in leading dailies, some of them are broadcasters, to say it in general para naman mis-judgement ‘yun. I for one can be called as a frustrated writer, pero pwede naman nating i-spare ‘yung iba. - Ano naman masasabi mo sa mga blogs na “political” ang subjects?
This is a free world, lahat may kalayaang pumili kung ano ang sasabihin nila. Kanya-kayang trip lang yan, kanya-kanyang way of expressing themselves [or even angst]. - E dun sa mga bloggers na gumagamit ng txt lingo?
Sa totoo lang nakaka-inis basahin. Pero guilty rin ako sa ganyan e. Hehehehe! - Bakit Tagalog ang blog mo? Ayaw mo bang abutin ang mga English readers?
Gusto ko nga sana, pero medyo nahihirapan akong i-express ang sarili ko sa English, kinapos kasi ang stock ko ng English. - Ganun?! Teka ano ba kinuha mo nung college? Saan ka nag-aral?
Undergrad ako ng BSBA4 sa PCU Manila Campus. Tapos kumuha ako ng computer course sa STI-Bacoor habang nagta-trabaho ako. - May cell ka? Anong model? Number mo?
Meron. Nokia 6610. Sikret ung number.
- E-mail address na lang?
Marami pero dito na lang kayo mag-email amnotahunk [at] yahoo [dot] com o kaya naman refuerzorl [at] gmail [dot] com.
Yan lang muna, try ko dagdagan in the future. Kung meron kayong gustong malaman [hoping!] e-mail n’yo na lang sa akin, idadagdag ko dito, basta wholesome lang. ![]()
Popularity: 5% [?]




![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)














4 responses so far ↓
1 Reach Penaflor // Feb 4, 2008 at 10:19 am
Can I borrow some of your beautiful pics? I might use it in a souvenir mag cover. Acknowledge ko na lang name mo. Thanks Ka Betong. Kaanu-ano mo nga pala si Kahlil Refuerzo?
2 Reyna Elena // Mar 10, 2008 at 5:31 am
ilang years ko nang nabasa to when i stumbled on your blog at talaga namang duguan ako nung nadapa ako rito, ngayon? nau-utot pa rin ako nang tawa sa bwisit na interbyu na to! hehehe!!!
3 Ate Juliet // Apr 2, 2008 at 3:41 pm
Dear Ricky,
I happen to browse over this site when I am looking for our church- UCCP-Real. I am the wife of Pastor Edwin. Thank you for the article. I printed it to let my husband see this article.
You did a great job! so you are the photographer during that day!
By the way, we re leaving the church this May. Again, thanks a lot. God bless you in your journey.
Again, thank you for making this article.
4 desperateblogger // May 10, 2008 at 10:00 pm
taga bacoor ka pala. at sa maliksi pa. lapit lang yon sa amin ah. hindi ako taal na taga bacoor. naka pangasawa lang. maliksi. e di kilala mo si robert alakbay aka peke/peque?
i stumbled on your site because i was looking for fiesta pics. never mind. tomorrow is fiesta na. i’ll just take pics. nice to know that i am not a lone blogger from this 3rd world town! =)
Leave a Comment