mahigit kalahati na ng buhay kong kasama ko ito, noong una, buyo lang ng barkada ang dahilan kung bakit ko ito kinagiliwan, lumaon parang di ko na siya pwedeng iwan. isa lang ang tinutukoy ko, ito…
nagsimula akong manigarilyo noong labin-tatlong taong gulang ako, buyo ng barkada at feeling pohi kasi kapag may lumalabas na usok galing sa ilong, lalong pogi kapag lumalabas ang bilog na usok galing sa bibig. tatlumpu’t pitong taong gulang na ako ngayon, ibig sabihin labing apat na taon ko ng nilalason ang sarili ko (ayon sa pag-aaral).
hindi ito ang unang beses kong iiwan ang bisyong ito, una kong iniwasan ang paninigarilyo noong labing siyam na taong gulang ako, subalit bumalik ang bisyo noong ako’y dalawampu’t isang taong gulang. ikalawang tangkang pag-iwas ay noong ika-25 taong kaarawan ko pero bumalik ito bago pa man ang ika-26 kong kaarawan.
ano nga ba ang dahilan kung bakit pabalik-balik ang bisyong ito sa akin? minsan kong nabasa sa isang artikulo ni conrado de quiroz sa philippine daily inquirer, “smoking is addiction, plain & simple”, kung naaalala ko ito ng malinaw, isinulat n’ya ito noong siya ay tumigil sa paninigarilyo (taong 1997 o 1996).
sa kabila ng mga banta sa kalusugan, idagdag pa ang mahal na presyo nito, iisa lang talaga ang dahilan kung bakit marami pang naninigarilyo, simpleng sagot ay adiksyon. muli kong tatangkaing iwasan ang substance na ito, hindi para kanino man, kundi para sa puso ko. ramdam kong matagal ko ng pinahihirapan ito dahil sa paninigarilyo, panahon na siguro para linisin naman ang hanging pumapasok sa aking puso (at sa baga na rin), sana lang tuloy-tuloy na ito.
Popularity: 9% [?]






![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)














10 responses so far ↓
1 iskoo // Feb 14, 2007 at 11:56 am
saludo ako sa iyong adhikain, kaya naman eh, naranasan mo na umiwas, kailangan lang ng pagpupusigi pa. gudluck!
2 sasha // Feb 14, 2007 at 12:18 pm
Ayan, adik kasi! Hehehehe
Oist seryoso na… tama yan, master! Itigil ang smoking. Sayang ang nawawalang minuto ng buhay sa bawat langhap ng usok na dala nyang sigarilyo.
Magtagumpay ka sana
3 Mauwy // Feb 14, 2007 at 12:20 pm
Kaya mo yan master ^.^
ako nakayanan ko rin, kaya, kakayanin yan
4 Yosita // Feb 14, 2007 at 5:47 pm
buti naman at nakapag isip isip ka
hmmn apat na bwan ko na yatang iniwan yan, kung di tayo nagtagumpay para sa bayan at least para na lang sa baga natin lol!!!
Mabuhay ang mga Baga!!!!!
lol
happy vday pala master alam ko sobrang saya ka dahil may labs ka na
5 LaBs // Feb 14, 2007 at 6:05 pm
.. tanda ko pa… one month ago, habang naglalakad tayo sa Mall of Asia bago magsimula ang pyroOlympics at naghahanap tayo ng yosi boy at wala tayong makita, sabe mo pa non kahit bentahan ka ng isang pakete ng yosi sa halagang 1,000 pesos eh bibilhin mo! e siempre ako ung kinabahan! buti na lang me nakita tayo.
Sana alam mo na proud kami sa yo. Huwag naman candy ang balingan mo ok?
H A P P Y V A L E N T I N E ‘ S D A Y !!!
6 sirena // Feb 14, 2007 at 8:54 pm
nasa pinas ka pa rin mastergrapher? nagtayo ka na
yata ng studio ah
tama yan! bad talaga sa health at pocket
go! go! go! teka, paano naman iyong
SMB light??
*p.s.
tapos na pala ang Atlantica
sino nagkatuluyan, si Aquano
at Palikpik ba
7 rHo // Feb 14, 2007 at 9:53 pm
gudlak master… sana magtuloy-tuloy na yan!! mabuhaaaaay!!!
hapi hearts day din po pala… God bless!
8 eden // Feb 15, 2007 at 10:49 am
hello master,
salamat sa dalaw
kaya mong i quit yan,isapuso mo lang hehe! good luck!
9 karmi // Feb 16, 2007 at 12:10 am
sabi nga po nila, once you puff, you cant stop.. pero kaya naman yan kuya.. kaw pa!
aja! ^_^
10 KD // Feb 19, 2007 at 3:31 pm
Goodluck MB..tamangtama ang tema..:grin:
Leave a Comment