sweldo ngayon, dahil nga cash payment pa rin kami, kailangan ko pang pumunta sa accomodation namin para kunin ang aking pinagpaguran sa loob ng isang buwan. sa kamalas-malasan inabot naman ako ng prayer time, dahil nga ramadan, walang makuhang taxi, lahat yata ng driver nag-iftar1 wala halos tumatakbong sasakyan sa kalye.
naghintay na lang ako sa isang sulok at nagyosi, pwede nang magyosi sa public pag nagdasal na sila sa hapon. habang ninanamnam ko ang ikalawang stick ay nag-ring ang telepono ko, si ed, yung accountant namin, sinagot ko ang telepono.
ed: pinapapasok ka ni amo bukas
mb: bakit daw?
ed: yung september manpower report daw kailangan n’ya
mb: [tang ina! bulong ko] tinatamad ako sir.
ed: kailangang kailangan daw yun.
mb: sige try ko
ed: di pwedeng try, kailangang siguradong andito ka bukas
mb: sige darating ako.
i got pissed. andoon naman ako sa opisina maghapon pero hindi hiningi sa akin ang report. i hate working on weekends, siguro hindi ko lang naging ugali ang mag-patama2, iba kasi ang training ko sa pilipinas, hindi uso sa amin ang mabagal na trabaho.
i said yes pero di pa ako resolve kung papasok ako o hindi, malamang na mapilitan na naman akong gumising nang maaga, that’s what i hate doing. pero kailangan, call of duty kasi. damn! parang gusto kong manadya, gusto kong wag pumasok, tang ina talaga!
Popularity: 10% [?]





![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)















3 responses so far ↓
1 jong // Oct 12, 2006 at 4:54 am
ayus lang yan, sweldo naman e.
2 rHo // Oct 13, 2006 at 1:54 am
nakowwsss… ano kaya ang magiging decision ni master?! abangan!!!!
3 melai // Oct 13, 2006 at 4:53 pm
hehehehehe parang dinig na dinig ko yung matunog na mura lol!
Leave a Comment