Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

todos los santos

October 31st, 2006 · 1 Comment

todos los santos na pala bukas, siguradong puno na naman ang mga sementeryo/memorial garden. marami na namang maka-aalala sa mga kamag-anak nilang namayapa na, s’yempre pa parang reunion na rin ito, may pagkain, inumin at music pa sa puntod ng kanilang mahal sa buhay.

year 2004 ang huling all-saints day ko sa pinas, dinalaw ko si lola at si nunoy sa memorial garden na malapit sa amin. well, almost weekly naman ang dalaw nila doon, mahirap kasing hindi dalawin dahil mabilis tumaas ang damo sa lugar na yun.

iba ang atmosphere sa memorial garden kaysa sa public cemetery, medyo serene ng konti sa mga memorial garden, unlike sa sementeryo na nagkalat ang mga buraot, mandurukot ng kandila at kung ano-ano pang raket sa loob.

noong nasa elementary pa kami, raket din namin ang manguha ng kandila tapos ibebenta namin sa buyer na nakatayo lang sa harap ng sementeryo. naglilinis lang kami ng puntod, aba malakas ding raket yun! besides malapit lang naman kami sa sementeryo.

Sementeryo

to give you an idea kung gaano kalapit sa amin ang sementeryo, tingna yung aerial photo sa ibabaw courtesy of wikimapia.org. yung nasa yellow square ang lugar namin, meaning doon kami sa liblib na lugar na yun nakatira (dati), yung pula naman ay ang unang sementeryo (maliksi ii cemetery), yung asul naman ang ikalawa (maliksi i cemetery) at yung green naman ang eternity memorial garden. bakit nauna yung ii sa i? depende kasi kung saan nanggagaling, kaya una ang tawag namin kasi mas malapit sa amin, kaya naman i kasi mas malapit sa munisipyo.

anyways, naisip ko lang na bakit tuwing todos los santos lang natin naaalala ang mga yumao nating kamag-anak, do we really need a date para lang maalala sila? why not everyday? or every week?

sponsored link: hair transplants New Jersey

Popularity: 12% [?]

Tags: Blast from the past · Customs & Traditions · Personal · Pilipinas

1 response so far ↓

  • 1 mics // Nov 1, 2006 at 5:14 pm

    gwabe raket mo, kuya! bwahaha… nangunguha ng kandila. exciting un. :razz:

Leave a Comment