Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

weekend brunch

January 27th, 2006 · 1 Comment

as usual late na naman ako nagising, dumalaw kasi si niko [aka mouse trap] kagabi. di matapos na kamustahan at kwentuhan, even my roommate na may pasok pa kinabukasan at nagpakalango na naman sa sadiqqi ay di rin naka-iwas sa pakikipag-kwentuhan. almost 2am na ng makatulog kami, nak ng teteng puro pang-xerex naman ang ikinuwento, nang-inggit lang ang hayup!

9am na ko nagising, ayaw ko pa nga sana kaya lang nakakahiya naman sa bisita kung walang kakainin. i was planning na magluto ng sinigang kaya lang ubos na ung mama sita sinigang sa sampalok mix, then sabi ko corned beef na lang. using my credit card1 kumuha ako ng isang swift corned beef, 3 piraso ng itlog at bakshish2 na sibuyas.

paspasang luto lang, ala ng esep-esep, lintek na mouse trap talagang solb ang tulog. eksatong naka-luto ako ng gumising, malamang naamoy ang ang aroma ng aking niluto at napabangon siya sa sarap. in short nakaraos din ang weekend ko, simpleng luto lang, di na kailangang mag-isip pa ng kahit ano.

Popularity: 4% [?]

  1. karton ng sigarilyo na ginawang listahan []
  2. discount, libre, harbat []

Tags: Uncategorized

1 response so far ↓

  • 1 tsokoleyt // Jan 27, 2006 at 11:35 pm

    mouse trap? mas bagay yata kung keso at siopao ang pinaalmusal mo :mrgreen:

Leave a Comment