Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

weird ba ako?

January 25th, 2006 · 6 Comments

di ko alam may tag pala ako galing kay jong, it’s about 5 weird habits about me. mejo nag-isip din ako, lima lang gusto n’yo? baka mas gusto n’yo ng marami. :P anyways, eto na ang sa tingin ko ay 5 most weird habits ko:

  1. di ako makatulog nang may suot na damit kahit anong lamig pa ng panahon. di naman totally naked, ala lang upper garment tapos naka-underwear lang preferably boxers. kasi nga malikot akong matulog, kapag may suot akong sando o ano pa man, feeling ko nasasakal ako. also, di ko kinukumutan ang binti ko kasi di ako komportable.
  2. mahilig akong manood ng tv but i can’t call myself as couch potato, kase pag nanonood ako ng tv mas feel ko na naka-upo sa sahig kaysa umupo sa sofa. well, nakasandal lang naman ako sa sofa, o kaya naman nakahiga.
  3. isang effective na pampatulog ko ay ang pagkalikot ng tenga ko. pwedeng buds, ballpen, lapis or any object na pwedeng ipang-kiliti sa tenga.
  4. whenever na nag-gugupit ako ng kuko [sa paa man o sa kamay] dapat buo ang ginupit na kuko at iniipon ko, pagkatapos kong ipunin binibilang ko ito at kung may kulang dapat makita ko, isa pa, inaamoy ko ung pinutol na kuko sa paa.
  5. don’t jump so quickly”, sa pagsakay, never akong sumasakay sa unang sasakyan [jeep, tricycle, bus o taxi] na dumating, kahit anong luwag pa n’yan at kahit late na ako.

weird ba? sige kayo naman, kahit sino na lang na may trip.

Popularity: 4% [?]

Tags: Uncategorized

6 responses so far ↓

  • 1 ann // Jan 25, 2006 at 10:58 pm

    Grabe ka Master B! Weird ka nga, pero natawa ako dito ah. Ang lamig dito sa atin ngayon tapos wala kang damit matulog, baka naman may heater yang accomodation nyo.

    Ano nga pala ginagawa mo sa inipon mo na kuko?

  • 2 neng // Jan 26, 2006 at 2:46 pm

    hallo mama ann, dito pa tayo nagkita. ’saan na si faffi kaddi? natabunan ba ng buhangin :roll:, ang dilim pa rin sa bahay niya …kayo talagang mga taga-disyerto weird nga! :grin:

    nakuha mo ba master sa Japan ang habit na sa sahig umuupo?

    mama, baka iyong mga kuko eh sinasangag … :mrgreen:

  • 3 masterbetong // Jan 27, 2006 at 1:25 am

    di naman dahil sa init o lamig un ann, nakasanayan ko lang matulog ng naka-hubo. :smile: ung iniipon kong kuko, itinatapon ko din pag nasimsim ko na ang amoy. hehehehe!

    ung pag-upo sa sahig, matagal na un bata pa ako ganun na ko talaga.

  • 4 jong // Jan 27, 2006 at 6:35 am

    haha master… oo nga noh weird pala yong pagipon ng kuko. gawain ko rin kase yan haha. Pero hindi ko na hinahanap yong nawala o tumalsik, kung ilang lang yong naipon kong buo eh yon na lang haha.

    haha ingat sa pagtusok ng kung ano mang bagay sa tenga mo. nyahaha… bago ka matulog baka malimutan mong tanggalin at sa pagising mo eh bingi ka na at umaagos na ang dugo galing sa tenga mo :lol: nyahaha

  • 5 masterbetong // Jan 27, 2006 at 6:26 pm

    jong trip trip lang naman e. sarap ipunin e, buti na lang di ko nilalagay sa bote. hehehehe ung pangingiliti ng tenga, ewan ko nakasanayan ko lang

  • 6 tiamy // Jan 31, 2006 at 3:29 pm

    Haha..Natawa 2loy ako dun sa pag-amoy sa kuko sa paa kasi ganun din ako e…hehe..

Leave a Comment