nakakatuwa pag nasa internet cafe ako, ang daming side trip. lalo na pag naka-voice chat ung mga pinoy dito, may mga makata, may malambing at may humahalik sa mic at may nagda-drama.
ung ibang nakikita ko dito parang kasing edad na ni erpats, e parang teen-ager pa kung makipag-voice chat. minsan natatawa ako pero pinipigilan ko, nakakahiya naman kasing makita na tinatawanan mo sila. minsan noong andito pa ang bida, nagtatawanan kami pero sa pm (private message), ang kulit kasi ng mga pinoy dito.
hmmm… i doubt kung asawa nila ang kausap nila, most likely hindi. malamang na ofw din from italy, hongkong o sa amerika. yan naman kasi ang karaniwang kausap ng mga pinoy dito, mga nalulungkot na ofw din.
naiisip ko lang, sa mahal ng chat dito, i wonder kung may naipapadala pa sila sa kanilang pamilya. an hour would cost 4 riyals, minimum stay nila dito 4 hours a day, that’s 16 per day, kung may kape 2 riyals, kung may softdrinks 1 riyal, pag inabot ng gutom order sa ahg1, 5 riyals ang hamburger, 12 riyals ang broasted chicken etc. etc.
but what bothers me most ay ang ugali ng ibang pinoy dito. they take advantage of the idiocy kind heartedness of their chatmates. in short, nangungutang sila, syempre gipit si fafa, papadala naman si gaga mama. syempre kikita ang western union money transfer. hehehe! kidding aside, di ko ma-imagine how does this hypnotism works, imagine, pareho naman kayo may trabaho, pareho kayo nasa abroad, e paanong di siya makakapagpadala?
may reward naman kasi, kung ipapadala kasi ni fafa ang pera sa pinas, wala na siyang pang-chat, meaning tigang si mama sa chatting.
ang nakakalungkot nito, may mga kakilala akong napabayaan na ang pamilya dahil sa chatting, baka wala silang makitang sugar mommy. ung iba magbabakasyon pero di nauwi sa pinas, o kaya naman dumadaan sa hongkong, dubai o qatar for 2 weeks, playing fire with their chatmates.
di naman sa namamaki-alam ako, kaya lang, masyado ng naging masama ang image ng mga saudi boy. those women who experienced being fooled, ang akala nila lahat kami dito manghu-huthot. sama tuloy ng image namin sa net.
Popularity: 3% [?]
- abu-haitem group resto [↩]






![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)














3 responses so far ↓
1 melai // Jan 12, 2006 at 2:58 pm
lol!!! d lang mga taga saudi ganyan … dami nyan sa buong mundo mapalalaki mapababae!! nung una kong nalaman yang mga ganyan parang naiinis ako kasi nasisira ang reputasyon ng mga matitinong chatter ( tulad ko lol!!) deny ko pa yan pag me nagtatanong sa kin … pero katagalan ako mismo nakakakita ng ganyan .. nakaka meet meron pa nga kapitbahay ko sa tundo e ..yan ang hanap buhay … ginagamit pa nga ng nanay yung mga anak na mapabakla mapababae tsk tsk tsk … minsan nga daw sabi ng sis ko yung nanay na mismo nakikipag chat e gamit ang Ym id ng anak na babae lol!! nakikipag cyber biro mo yun?? kaya tawanan mga tao sa shop sa bahay kasi di alam ng kausap e matandang babae ang kacyber nya … uhmmn kaya ingat ka baka isa ka sa kausap nun lol!!! eto pa ang kaheigt ng mga taong ganyan … pati ba naman ako hihingan ng handfone galing dito .. sabi ko nga sanay ako ng ako ang nanghuhuthot nde ako hinuhuthutan .. ddami pa nyan nanghihingi ng invitation o visa para makarating dito .. as if citizen o PR ako dito ( pede na ba isulat sa Maalaala MO kaya? lol!!) .. anyways pagkatapos ng mahaba habang kwento na pwede ko na iblog …. pachange pala ng link sa http://manilenya.com
ingat ingat sa mga kachat lol!!!!
2 neng // Jan 12, 2006 at 6:28 pm
hehehe! haba ng litanya mo sistah…kung anu-ano na pala ang pinagdaanan mo, dami mo pang ituturo sa akin
teka, di ba ako naligaw dito? eto ba bagong bahay mo na naman?
ops… soweee…nagkakalat na ako dito, iba pala nakatira. ‘yan kc palipat-lipat ka pati ako nahihilo na.
ipagpaumanhin po master!
3 perfect // Jan 12, 2006 at 6:57 pm
libreng kol at sms interesado kayo? may way para ma avail ito. medyo may konting trick. sa kol ay depende sa makukuha mong number at sms naman ay unlimited.
Leave a Comment