i was checking my stats 2 days ago nung makita ko na may bagong referer sa site ko. i clicked the link and found out na saudi boy din pala, binasa ko ang blog entry n’ya that day entitled working in saudi arabia, naisip ko, ang tindi naman ng accomplishment n’ya given na 18 months pa lang siyang nagtrabaho sa saudi. nakabili siya ng multicab (MCB tawag n’ya), 4 na ektaryang lupa at 300 sqm. na lupa sa s’yudad (kung saang s’yudad di n’ya sinabi) to name a few.
i would admit na mejo nahanginan ako noong una. parang imposibleng mangyari, takteng buhay yan ako 6 na taon na dito, ala pang naipundar kundi ung house & lot na binabayaran ko pa. aasarin ko sana sa comment pero nang mabasa ko ang paliwanag n’ya sa mga epal na comments sa kanya, naisip kong pwede nga palang mangyari given the salary na tinatanggap n’ya dito. also, ung attitude n’ya towards his work and ang manner n’ya ng pag-handle ng pera.
naisip ko tuloy na maraming nag-saudi na umabot ng mahigit ng 20 taon dito pero walang pundar, some reasons are unacceptable. kung susuriing mabuti, right attitude lang naman ang kailangan. naalala ko tuloy ung isang kasamahan ko dati, noong pauwi na siya, bumili ng component na nagkakahalagang SR2,400. tinanong ko siya, bakit ka pa bumili n’yan iiwan mo lang naman yan sa pinas, sabi n’ya “dre, parang ang pangit naman na uuwi ako na wala mang lang iuuwing appliances.” ngek! ano naman ang pangit doon?
kung hindi appliances, alahas, sabon, shampoo, lotion, pabango at kumot para ipasalubong sa mga kamag-anak at kapitbahay. para bang mas mahalaga ito kaysa sa paghahanda sa kinabukasan. i know i’m guilty of the same crime, nasa saudi boy culture na yan e. ipon ng pera para ipasalubong at gastusin sa good time pag-uwi, not thinking of how the future would look like, paano pag di ka na pabalikin dito, paano pag natuto na silang magtrabaho? saan naman kaya kami pupulutin.
sa totoo lang tinamaan ako sa entry n’yang iyon. naisip ko tuloy na ang dami kong sinayang na pera. sa ngayon, nag-device na ako ng austerity measures para kahit paano maka-ipon naman ako. di pa naman siguro huli ang lahat.
Popularity: 3% [?]






![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)














4 responses so far ↓
1 jong // Nov 24, 2005 at 11:33 pm
haha… oo bakit kaya ganyan ang mindset ng mga saudi boys hehe. kase kami sa tuwing magbabakasyon kelangan lahat ng kapatid ng tatay ko eh may pasalubong. kundi pabango eh alahas. 10 lng naman silang magkakapatid. tapos mga asawa pa nun, tapos mga pamangkin ng tatay ko. pagdating sa amin wala na hehe. dati naisipan namin wag magbakasyon kase nga gastos hay… sa ngayon eh puros sa pagaaral namin napuupnta ang sweldo ni papa at ung pinapagawang bahay sa cavite. ung sa zambales eh dati pa nagawa nung wala pang kolehiyo sa amin. mga 18 yrs na cguro tatay ko dun. pero mahirap parin kami hehe. hindi average na pinoy lang…
2 mocs // Nov 25, 2005 at 12:52 am
Dre, thanks for featuring me. Cguro hindi ako makakaipon kong maliit lang sweldo ko, swerte lang cguro na Ok ang rate na nakuha ko. Ganun pa man, mahalaga talaga ang makaipon at makapagpundar. Tyaga lang at tiis, blessings come in many different ways. I wish the best of eveyrthing for you!
Ni link kita ha!
3 neng // Nov 25, 2005 at 4:17 am
tama! di pa huli ang lahat, kaya magbawas-bawas ka na sa mga bisyo mo. hehe
iyong credit card mo dapat may limit na rin.
mga kapitbahay namin noon parang mga milyonaryo kapag nagbabakasyon, ngayon isang kawig isang tuka, mga anak di pa nakatapos sa pag-aaral dahil puro paporma ang inatupag.
4 masterbetong // Nov 25, 2005 at 5:22 pm
jong, ganyan siguro talaga pinoy culture, parang pag nag-abroad ang isa ay pinupulot lang ang pera dito sa abroad, san kayo sa cavite? baka magkapitbahay pa tayo.
mocs, your welcome sir, inspiring naman ang post mo na un e.
neng, opo mag-iipon na po.
Leave a Comment