masakit pa ang ulo ko ng bumangon, medyo hirap pa ring imulat ang mata, pero kailangan ko ng maligo, may pasok na, unang araw ng linggo.
plastado ako kagabi, di ko na namalayang nakatulog ako, maaga pa if i can recall “elisi” ng rivermaya pa ang natunog sa background, yan ang huling music na narinig ko bago ako nawalan ng ulirat. di ko na namalayang nakapasok ang mga kasama ko sa bahay.
bakit daw ako plastado?
yom al-khamis (thursday):
dahil dito, natuloy ang basketball practice 2 sa players ang hindi nakadalo dahil may laro sa port, pagkatapos ng 6 na ikot sa court at konting calisthenics, scrimmage agad, una team a vs. team b then ibang group naman ang nakalaban namin. all in all 4 matches ang nalaro, ok naman in general ang laro ng tropa, pero parang may gustong patunayan si dodi (mouse trap), maganda ang offensive performance n’ya minalas lang noong huli dahil, na-sprain siya ng mahulog sa lungga crack na semento ang paa n’ya.
engrandeng birthday party ng 2 klasmeyts. may konting pagbabago lang sa menu (wala pa ang mga pix kaya di ko pa mai-post), grilled chicken, pinaputok na tilapia at bangus, pancit, grilled blue marlin at soup no 5. talap!
s’yempre tuloy ang barik1 at videoke gamit ang beac videoke machine ni kabise (parang magic sing din), dahil kargado ng agua de pataranta, napalaban na naman ang vidoke king. pagsapit ng alas-dose, mataas na rin ang amats, homesick time na, kanya kanya ng hablutan ng telepono at tawagan time na! past 4 na ng matapos languan kahit bitin pa ang iba. that time na rin ako nakatulog.
yom al-juma’ah (friday)
around 7 ng maalimpungatan ako, tangna! 3 hours lang tulog ko, medyo antok pa ko pero nawala ng maka-inom ng kape at hithit ng yosi. and the much awaited diningding was served around 11am, lunch lang kami at uwian na.
we need to go home early kasi naka-schedule ang paggawa ni popoy sa aming kusina. my much awaited rest was ruined by that modification job, feeling ko lula na ako pero i need to assist popoy in his job. kumbirahan lang naman kasi ito, kung nagbayad man kami, para lang sa abala. past 6 na natapos ang trabaho sa kusina and past 6 na rin ako nakaligo (can you imagine how bad i smell the whole day!). i had my dinner and rested, the rest di ko na alam ang nangyari.
ok lang kahit nakakapagod, paminsan-minsan lang mangyari ito sa amin. even before na magkakasama kami sa accommodation, t’wing may okasyon din lang kami nagkakapuyatan.
[tags]party, basketball[/tags]
Popularity: 5% [?]
- inuman sa batangas [↩]






![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)














2 responses so far ↓
1 ann // Apr 23, 2006 at 8:49 pm
Nag hapi-hapi pala kayo. Wawa naman daga na sprain pala. Nakaka shoot ba yan master?
2 neng // Apr 25, 2006 at 4:07 am
delikado pala ang tournament ng klasmeyts,
baldado ang MVP nyo!
si dodi yata ang pinaka-kyut jan sa pic …
mas pa kung ala sanang suot na kufi
Leave a Comment